JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
AWOL NA PULIS NG MPD PATAY SA RIDING IN TANDEM

By Jojo Sicat


Dead on arrival sa pagamutan ang nag awol na pulis na nakilalang si Joselito Sumacaton 37 years old dating nakadestino sa Manila Police District o MPD Station 7, Tayuman PCP, matapos na pagbabarilin kagabi sa F. Varona St. Brgy 83 Tondo Manila.

Base sa ulat ng pulisya, nasa tapat ng kanyang bahay si Sumacaton nang biglang lumutang ang hindi nakilalang riding in tandem at agad itong pinaputukan ng makailang beses at mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan sa dati nitong trabaho bilang pulis ang dahilan ng naganap na pamamaslang sa biktima.

Read 7309 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.