JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BJMP PATAY SA PULIS SA MALABON

By: Jojo Sicat

DEAD ON ARRIVAL sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) habang sugatan naman ang kabarilan nitong pulis sa Malabon City kagabi

Ginagamot sa MCU hospital ang pulis na si PO1 Dennis Solis 27 years old dahil sa tinamong tama sa kaliwang bahagi ng dibdib na tumagos sa kanyang braso.

Namatay naman habang ginagamot ang tauhan ng BJMP na si Jojo Rommel Kindipan dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.

Batay sa ginawang imbestigasyon ng Malabon City police sakay ng patrol car si PO1 Solis at partner nitong si PO1 Sherwin Sandy Benico habang binabagtas ang kahabaan ng Gov. Pascual Avenue at pagsapit nila sa may Hernandez St sa Brgy. Catmon sinalubong umano ang patrol car ng isang residente sa lugar at nagsumbong kaugnay nang pagpapawala ng suspek at panunutok ng baril.

Agad namang rumesponde ang mga pulis sa lugar ngunit agad umano pinaputukan ng suspek ang patrol car at tinamaan si PO1 Solis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek na si Jojo Kindipan na isinugod sa pagamutang bayan ng Malabon ngunit inilipat ng Jose Reyes kung saan siya binawian ng buhay.

Read 4885 times Last modified on Friday, 27 January 2017 08:22
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.