JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BABAENG HINOLDAP SA MALIBAY PASAY NA NAG-VIRAL SA SOCIAL MEDIA, SUSPECT KILALA NA

By: Boyet Guillermo

ISANG NETIZEN ANG NAGBIGAY NG IMPORMASYON sa pagkakakilanlan sa suspect na nang-holdap sa isang babae sa EDSA Malibay Pasay City na nag-viral sa social media.

Ayon kay P/C. Inspector Rolando Baula, kinilala ng netizen ang suspect na si Ernesto Fajardo alyas "KIKO residente ng No. 1742 Cuyegking Brgy 1 Zone 1, Pasay City na hanggang sa ngayon ay nakakalaya habang ang kasama nitong naka-motorsiklo ay ganun din.

Matapos makilala ang suspect, agad sinampahan ito ng kasong Robbery Holdup ng Criminal Investigation and Management Division ng Pasay City Police

Samantala ang biktima ay kinilalang si Rosemarie Villacruel y Laguador 21 taon gulang at residente ng Geronimo St., Pasay City

Matatandaan nakita sa social media ang nasabing biktima na hinoldap at tinutukan ng baril ng isang lalaking nakaputing cap na naganap noong Jan. 1 ng alas 11:10 ng gabi kung saan tinangay ng suspect ang bag ng biktima na may iba-t ibang mahahalagang gamitan

Umaabot sa kabuuang 24,000.00 libong piso halaga ang mga natangay ng mga suspect sa biktima tulad ng 2 cellphone na nagkakahalaga ng 20,000.00 libong piso, 2,000 pisong cash at powerbank na halagang 2,000 din.

Patuloy naman ang manhunt operation na isinasagawa ng Pasay Police para madakip ang mga suspect.

Read 6634 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.