JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BABAENG PUSHER TIKLO AT KASAMA NITO SA BUY BUST OPERATION SA TAGUIG

By Jojo Sicat

 

Arestado sina Rina Hayashi 20 yrs old na nahulihan ng 50 piraso ng ecstacy at Roy Miguel de Borja na nakuhanan naman ng 4 na pirasong ecstacy, matapos ang isinagawang buy bust operation kagabi ng Taguig City police sa Bonifacio Global City.

Ayon sa pulisya, agad nilang inaresto si Hayashi nang magpositibo ito sa iligal na droga.

Habang natiklo naman si De Borja makaraang saklolohan si Hayashi at makuhanan pa ng apat na ecstacy.

Nahaharap ang babaeng pusher sa kasong paglabag sa sec.5 ng RA 9165 na walang katumbas na piyansa.

Samantalang, kasong paglabag naman sa section 11 ng RA 9165 ang kinakaharap ni De Borja na maaring pansamantalang makalaya kung makapagbibigay ng akmang halaga ng piyansa.

Nabatid na kabibili lamang ni de Borja ng apat na ecstacy kay hayashi bago naganap ang ntrng buy bust operation.

Sa ngayon nakapiit na sa Taguig City Police Headquarters ang mga naturang suspek.

Read 8409 times Last modified on Friday, 09 December 2016 09:58
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.