JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TRICYCLE DRIVER PATAY SA PAMAMARIL SA MANDALUYONG

By: Jojo Sicat

PATAY ang tricycle driver na nakilalang si Renato Bernardo alyas Raged, 55 years old matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa A.T. Reyes St. Sa Barangay Poblacion, Mandaluyong City kagabi.

Sinabi ng Kagawad sa lugar na si Marion Espinosa, dakong 9:30 nang maireport sa kanila ang naturang insidente.

Ayon sa ilang residente na nakasaksi sa pangyayari, namamasada lamang sa lugar si Raged nang biglang lumutang ang mga di nakilalang suspek at agad itong pinagbabaril ng makailang ulit hanggang sa masawi.

Sinabi pa ni Kagawad Espinosa, si Bernardo ay kasama sa drug watchlist ng baranggay.

Sumuko na rin aniya ito sa Oplan Tokhang ng pulisya ngunit hindi naman tumigil sa iligal na gawain na posibleng dahilan ng pagkasawi nito.

Read 5839 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.