JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Business

STOCK MARKET, CURRENCIES BUMULUSOK MATAPOS ANG PAGKAPANALO NI TRUMP

Mula sa Amerika, Europa hanggang Asya, mistulang "shockwaves" ang naranasan ng mga merkado dahil sa sunod-sunod na pagsadsad ng stock markets at paghina rin ang ilang mga currency matapos ang panalo ng kontrobersiyal na si Donald Trump bilang bagong presidente ng Amerika.

Ang tinaguriang na stock index ng Japan na Nikkei ay bumagsak ng limang porsyento na sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng krudo sa international market.

Maging ang stock market index ng Pilipinas ay sumadsad din sa pinakamahina sa nakalipas na 10 buwan.

Ang halaga ng Mexican peso, na kung maalala ay naging tampulan sa election issue ni Trump ay nanamlay din.

Marami kasing mga investors ang umaasa rin na kung nanalo si Hillary Clinton ay mananatiling "status quo" ang mga polisiya sa ekonomiya.

Nangangamba rin kasi ang mga negosyante na walang mga ispesipikong mga panukala si Trump sa kanyang mga patakaran sa ekonomiya na nagpadagdag sa tinatawag na "uncertainty."

Read 2758 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.