JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
NOTORYUS NA TULAK NG DROGA PATAY SA PAMAMARIL SA MANDALUYONG

By: Jojo Sicat

DEAD ON THE SPOT ang notoryus na tulak ng droga na nakilalang si Nemencio Roque alyas Buma, matapos na pagbabarilin ng di nakilalang riding in tandem sa loob mismo ng kanyang bahay na isa rin umanong drug den sa may bahagi ng Paraiso Uno, Brgy. Poblacion, Mandaluyong City.

Ayon sa kapatid ng napatay na pusher na si Mariorico Roque, natutulog ito sa labas ng kanilang bahay ng biglang dumating ang dalawang suspek na nakamotorsiklo at pinasok ang kwarto ng kanyang kapatid na si Nemencio.

Ilang segundo lang ang lumipas nakarinig na daw ito ng dalawang magkasunod na putok.

Agad namang tumakas ang mga suspek habang iniwan ng duguan at wala ng buhay ang biktima.

Sa pahayag naman ng Barangay Chairman na si Goody Tolentino, at kaanak rin ng napatay na tulak, sumuko na raw sa oplan tokhang si Buma ngunit patuloy parin sa pagbebenta at paggamit ng pinagbabawal na droga.

Aniya ni Tolentino matagal na daw nilang pinagsasabihan si Buma na tumigil na, subalit sadyang matigas umano ang ulo at ayaw tumigil sa iligal na gawain.

Read 18416 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.