JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BILANG NG DUMAGSA SA MANILA SOUTH CEMETERY UMABOT NA SA 10,500

By: Jojo Sicat

UMABOT na sa humigit-kumulang sa 10,500 ang mga kababayan na dumagsa sa Manila South Cemetery simula umaga hanggang ngayong alas 12 ng tanghali base sa naitala ng Manila Police District (MPD) task group Oplan kaluluwa na pinamumunuan ni P/Sr. Supt. Robert Domingo.

Kasabay ng pagdagsa ng mga kababayan na dumadalaw ngayong undas sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay parami ng parami na rin ang mga nakumpiskang mga bladed weapon at mga ilan pang pinagbabawal tulad ng pintura, baraha, sound system at mga alak.

Batay sa report ng MPD, 3 bladed weapon ang kanilang nakumpiska, 2 gardening tools at 31 na paint materials.

Base sa Philippine Red Cross simula alas 8 ng umaga hanggang alas 11 ng umaga, umabot naman sa bilang na 193 ang nagpa-check ng kanilang mga blood pressure sa tent ng PRC kung saan karamihan dito ay pawang may mga edad na.

Samantalang isa naman ginang ang napilayan matapos na madulas ang kaliwang paa si Ginang Luisa Pitate, 58-years old ng San Andress Bukid, Maynila na ngayon ay nilalapatan na ng lunas ng Philippine Red Cross.

Tinitiyak naman ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang kaligtasan ng mga bata na kasama ng kanilang mga magulang na magtutungo ngayong araw at bukas para sa undas o pagbisita sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Maribel Bueza deputy administrator ng Manila South Cemetery nagtalaga sila sa entrada ng name tagging desk para lagyan ng pangalan ng mga bata at telephone number na ididikit sa kanilang mga dibdib sakaling mawala o maligaw sa pagdagsa ng maraming tao sa naturang sementeryo.

Sinabi ni Bueza na inaasahan na aabot sa kalahating milyon o 500,000 katao ang dadagsa mula ngayong araw October 31 hanggang bukas ng gabi November 1.

Sinabi pa ni Bueza umaabot sa 288,000 ang mga nakahimlay sa Manila South Cemetery.

Read 2550 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.