JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PUSHER PATAY SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA MARIKINA

By: Jojo Sicat

DEAD ON THE SPOT ang pusher na nakilalang si Emmanuel Villegas alyas Boy hapon, matapos manlaban sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Del Pilar Street, Brgy. Parang, Marikina City kagabi.

Ayon sa hepe ng Marikina Police na si P/Supt. Lorenzo Ulanday, nagpanggap na bibili ng halagang P300 na shabu ang isang poseur buyer, ngunit nakatunog daw ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kayat bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Mabilis namang nakaganti ng putok ang mga operatiba ng Marikina police na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nakuha sa crime scene ang isang sachet ng hinihinalang shabu at isang 38 na revolver.

Kinumpirma naman ng mga residentesa lugar na notoryus na tulak ng droga sa kanilang lugar si Villegas.

 

Read 6068 times Last modified on Friday, 28 October 2016 06:41
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.