JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PULIS AT KASAMANG SIBILYAN PATAY SA CHECK POINT SA MAYNILA

By: Jojo Sicat

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos makaengkwentro ng mga pulis sa checkpoint sa Adriatico Street Malate Maynila pasado alas-9:00 kagabi.

Nagtangkang takasan ng dalawa ang naturang checkpoint sa halip na huminto naglabas ng baril ang mga suspect at pinaputukan ang mga pulis.

Ayon Kay P/Chief Inspector Ariel Del Rosario investigation Chief ng Malate Police Station, nawalan ng kontrol sa manibela ng motor ang nagmamanehong suspect habang tinutugis ng mga pulis at doon na agad na gumanti ng putok ang mga otoridad.

Nagulat ang mga pulis ng malaman na kabaro nila ang isa na nakilalang suspect nasi PO2 Manuel Fuentes habang ang kasama nito ay nakilalang si Alexander Escobal.

Ang isinagawang checkpoint ng mga pulis ay bahagi ng pinaigting na seguridad kasunod ng insidente ng pagsabog sa Davao City night market noong biyernes ng gabi.

Kasabay nito nananawagan naman ang mga pulis na makipagkooperasyon ang mga motorista sa kanilang isinasagawang checkpoint.

Read 5283 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.