JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BABAE PATAY, ISA SUGATAN SA INSIDENTE NG PAMAMARIL SA MAKATI

Nasawi ang isang babae matapos pagbabarilin habang siya ay sakay ng isang pampasaherong jeep sa Barangay Poblacion sa lungsod ng Makati.

Sakay ang biktima ng jeep na biyaheng Delpan-Guadalupe at may plakang NVC 706 nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek.

Agad namatay ang biktimang kinilalang si Lauren Krystel Rosales, 27 years old na residente ng Sta. Ana Maynila.

Sugatan naman ang isa pang babae matapos tamaan ng bala ng baril sa hita at agad dinala sa Ospital ng Makati.

Inaalam pa ng Makati Police kung ang nasugatang babae ay tinamaan lamang ng bala o target din ng suspek.

Ayon kay SPO1 JM Liwanag ng Makati police, nagsasakay ang jeep sa bahagi ng Reposo Street kanto ng J.P. Rizal Street na malapit lamang sa Makati City Hall, nang makarinig ang driver ng tatlong putok ng baril.

Nakita niyang nakabulagta na at duguan ang bitkima.

Ang nag-iisang suspek ay agad bumaba sa jeep matapos ang krimen, naglakad, at saka pumara ng tricycle.

Kasalukuyang ire-review na ng pulisya ang mga CCTV camera sa lugar upang makilala ang suspek at inaalam na rin ang motibo sa krimen.

Read 3593 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.