JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MGA SUMUKONG DRUG USER AT PUSHER SA METRO MANILA, PUMALO NA SA MAHIGIT WALONG LIBO

Patuloy pa rin ang paglobo ng mga boluntaryong sumusukong drug personalities sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng National Capital Region Police Office o NCRPO, pumalo na sa 8,808 ang kabuuang bilang ng mga boluntaryong sumuko sa ilalim ng pinaigting na Oplan Tokhang mula July 1-12.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Chief Supt. Oscar David Albayalde, kinatok nila ang higit labing dalawang libo na mga bahay ng mga kilalang drug user at pusher na nagresulta ng halos siyam na libong surrenderees sa Metro Manila.

Umabot naman sa 362 na mga indibiduwal ang naaresto sa tuloy-tuloy na anti-illegal drugs operations ng NCRPO kabilang na ang dalawang Chinese nationals, at pagkakapatay sa 43 mga drug suspek.

Kaugnay nito, inirefer na nila sa Department of Interior and Local Government at sa Dangerous Drugs Board ang halos limang libo (4,898) na mga drug users para ma-rehabilitate.

Read 3301 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.