JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
JEEPNEY DRIVER NA NAG-MASTURBATE SA HARAP NG KANYANG BABAENG PASAHERO, INIREKLAMO SA LTFRB

Isang jeepney driver ang inireklamo ng kanyang pasaherong babae na nag-mamasturbate sa harap niya habang nasa biyahe.

Base sa salaysay ng biktima na si Carissa Marcia, 21 -anyos, sumakay siya sa bahagi ng Aurora Blvd. sa Pasay City noong June 17 sa jeep na may biyaheng Baclaran-Nichols at sa harapang bahagi ng jeep siya umupo.

Gayunman, ilang saglit lang ay inilabas na ng suspek ang kanyang ari at saka hinawak-hawakan.

Dito na inirekord ng biktima sa pamamagitan ng kaniyang cellphone ang kahalayan ng driver.

Sa kanyang pagdulog sa LTFRB ay ibinigay din ng biktima ang kopya ng kanyang kuha sa cellphone video.

Una na ring nagsumbong sa Pasay City Police ang biktima kung saan agad na ikinasa ang operasyon para hulihin ang suspek na si Jesse Veron Sewell.

Hinala ng LTFRB peke ang lisensiya na gamit ng suspek dahil wala itong record sa database ng LTO.

Napag-alaman din ng LTFRB na may dati nang kaparehong reklamo ang isinampa sa suspek na ngayon ay nakakulong na sa Pasay City Jail.

Pinadalhan na rin ng summon ng LTFRB ang may-ari o operator ng jeep na may plakang PYP 878 para humarap sa LTFRB.

Read 2612 times Last modified on Tuesday, 21 June 2016 21:21
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.