JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SANDRA CAM MAY PANIBAGONG PASABOG SA BUCOR

Ibinunyag ni whistleblower Sandra Cam na nakakuha ng P20 million cash ang grupo ni Gen. Rainier Cruz III nang magsagawa ito ng Oplan Galugad sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP) noong May 25, 2016.

Ayon kay Cam, sa P20M na nakuha, sinasabing galing kay Peter Co ang tinatayang P700,000 ngunit hindi ito lumabas sa media.

“So nung May 25, 6 o' clock in the morning, pinasok yan ni Gen. Cruz and his men at ito ay nakakuha ng worth P20 million cash sa bag. Ang sinasabi, yung 700,000 ay galing kay Peter Co alone. E 62 na mga drug lords ang nandiyan sa Building 14 pero hindi ito lumabas sa media.” pahayag ni Cam.

Paliwanag Cam, normal naman na may kasamang media ang kada Oplan Galudad kaya nagtataka siya kung bakit walang kasamang media nung mag-raid ang grupo ni Cruz noong May 25.

Dagdag ni Cam, mayroon kabuoang 60 drug lords ang kasalukuyang nakakulong sa Building 14 kung saan kabilang na dito ang umano'y inaaanak ni Senator-elect Leila de Lima.

Ani Cam, hawak niya ang full text messages mula sa kanyang insider sa BuCor kung saan naka-detalye umano kung anong oras at kung anong oras lumabas ang grupo ni Cruz mula sa NBP.

Bahagi ng panayam kay Sandra Cam

 

Read 2964 times Last modified on Tuesday, 07 June 2016 19:47
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.