JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PANG. AQUINO, PINIRMAHAN NA PARA MAGING BATAS ANG PAGBUO NG DEPARTMENT OF INFOMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY O DICT

Nilagdaan na ngayong araw ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang Republic Act 10844 na lumilikha sa Department of Information and Communications Technology (DICT).


Sang-ayon sa batas, ang DICT ay pamumunuan ng isang Secretary, kasama ang tatlong (3) Undersecretaries at apat (4) na Assistant Secretaries.

Nakapaloob din sa batas na ang Secretary, Undersecretaries at Assistant Secretaries ay dapat may pitong (7) taong kakayahan at expertise sa information and communications technology; information technology service management; information security management; cybersecurity, data privacy, e-Commerce o human capital development sa ICT sector.

Kasunod ng nasabing bagong batas, ilang ahensya ang nabuwag na at ililipat sa DICT gaya ng Information and Communications Technology Office (ICTO); National Computer Center (NCC); National Computer Institute (NCI); Telecommunications Office (TELOF); National Telecommunications Training Institute (NTTI) at lahat ng operating units ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na may kinalaman sa komunikasyon.

Dahil din sa pagkakalikha ng bagong Departamento, ang kasalukuyang DOTC ay tatawagin ng Department of Transportation.

Read 3608 times
Share this article

About author

Infinity Admin

Email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.