JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ANG NAKAKAMANGHANG KWENTO NG LAKE SEBU

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

KILALA ANG LAKE SEBU SA TATLONG (3) T: ITO ANG T'BOLI, T'NALAK AT T'LAPIA. PERO ALAM NIYO BA KUNG PAANO AT SAAN NAGSIMULA ANG PANGALANG SEBU?

AYON SA MGA KWENTO, ISANG BABAE ANG NAGPUNTA NOON SA ISANG BALON PARA MAG-IGIB NG TUBIG.

KINILALA ANG BABAE BILANG SI S'BU NA ISANG MAHIYAIN, MALUNGKOT, AT NOO'Y NAGHAHANAP NG LALAKING MAPAPANGASAWA.

NANG DUMATING SI S'BU SA BALON, LAKING GULAT NITO NG MADATNANG WALANG LAMAN ANG BALON KAHIT ITO'Y NAPAKALALIM.

SA KANYANG PAGHIHINTAY, NAGPAKITA ANG ISANG PALAKA AT KINAUSAP SI S'BU. AYON SA PALAKA, KANYA RAW BIBIGYAN NG TUBIG SI S'BU SAKALING BUMALIK ITO NG HATINGGABI SA NASABING BALON.

HINDI NGA BINIGO NG PALAKA SI S'BU DAHIL NG BUMALIK ITO HATINGGABI AY BINAYAYAAN SIYA NG TUBIG.

DAHIL MARAHIL SA PAGKA-OVERWHELMED NI S'BU SA BIYAYANG TUBIG AY NAKALIMUTAN NITO ANG HULING HABILIN NG PALAKA. NA TAKPAN NIYA ANG BALON PAGKATAPOS NIYANG UMIGIB.

DAHIL DITO, UMAPAW NANG UMAPAW NANG UMAPAW ANG BALON AT KINAULANAN NGA AY NAGING LAWA.

IPINANGALANAN NGA ANG NASABING LAWA KAY S'BU NA NGAYON AY MAS KILALA NA BILANG LAKE SEBU NA MATATAGPUAN SA SOUTH COTABATO SA MINDANAO. 

Read 846 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.