JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Breaking

HERO'S BURIAL KAY DATING PANGULONG MARCOS, MAY 'GO SIGNAL' NA SA KORTE SUPREMA

MATAPOS ang halos 27 taon, maihihimlay na rin sa Libingan ng mga Bayani si Dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.

Kasunod ito nang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petition na tumututol sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte at direktiba ng Defense department na ilibing na ang deposed president sa LNMB.

Sa en banc decision, 9 na mahistrado na kinabibilangan nina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de Castro, Jose Mendoza, at Estela Perlas-Bernabe, habang sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardeleza, at Alfredo Benjamin Caguioa ay tahasang tumutol na mailibing sa LNMB ang pinatalsik na president.

Hindi sumali sa pagresolba sa isyu si Justice Bienvenido Reyes dahil sa pagkakaroon ng relasyon sa magkabilang kampo.

Sa pagpabor na malibing ang Dating Pangulo sa LNMB, naglatag ng limang batayan ang mga mahistrado na magpapatibay sa kanilang desisyon, gaya ng mga sumusunod:

Walang naganap na grave abuse sa panig ng Pangulong Duterte nang payagan ang paglilibing sa Dating Pangulong Marcos sa LNMB, alinsunod sa kanyang mandato na itinatakda sa Section 17, Article 7, ng 1987 Constitution.

Wala ring batas na nagbabawal na mailibing si Dating Pangulong Marcos sa LNMB.

Mayroong kapangyarihan ang Pangulo ng Bansa na ipag-utos ang paggamit ng public land sa alinmang layunin.

Pinaliwanag din ng SC na ayon sa AFP Regulations G161-375, maaaring ilibing ang labi ng Dating Pangulong Marcos sa LNMB lalo pa at tinataglay niya ang mga kuwalipikasyon sa ilalim ng nasabing regulasyon gaya ng pagiging dating Pangulo ng Bansa, dating Commander in Chief, mambabatas, kalihim ng National Defense, military personnel, veteran, at awardee ng Medal of Valor.

“For his alleged human rights abuses and corrupt practices, we may disregard Marcos as President and Commander in Chief, but we cannot deny him the right to be acknowledged based on the other positions he held or awards he received. In this sense, We agree with the proposition that Marcos should be viewed and judged in his totality as a person. While he was not all good, he was not pure evil either. Certainly, just a human who erred like us”, paliwanag ng SC.

Paliwanag pa ng SC, hindi rin dishonorably charge si Dating Pangulong Marcos bilang sundalo, kundi siya ay honorably discharged at kinilala ng Philippines Veterans Affairs Office bilang isang retiradong beterano sa ilalim ng RA 6948.

Ayon pa sa SC, hindi convicted o sentensiyado si Dating Pangulong Marcos sa anumang krimen na sangkot ang moral turpitude, at ang mga kasong isinasangkot siya na dinisisyunan sa ibang bansa ay wala namang epekto sa usapin ng paglilibing lalo na at ang mga kasong iyon sa korte sa ibang bansa na kasong sibil lamang.

Read 3560 times Last modified on Tuesday, 08 November 2016 18:49
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.