JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Breaking

PAMBATO NG PILIPINAS NA SI KYLIE VERZOSA, NANALONG MISS INTERNATIONAL 2016

Matagumpay na nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Kylie Verzosa ang pang-anim na Miss International crown sa bansa.

Ito'y matapos ang apat na oras na coronation event sa Tokyo, Japan, kung saan 69 candidates ang naglaban-laban.

Sa Question and Answer portion ng patimpalak, tila naging pang International ang kasagutan ni Versoza.

Sinabi ng 23-year-old beauty queen na sakaling manalo siya bilang Miss International ay ilalaan niya ang kanyang sarili sa cultural understanding at international understanding.

“If I become Miss International 2016, I will devote myself to cultural understanding and international understanding. Because I believe that it is with developing with each of us sensitivity to other cultures that we expand our horizons, tolerate difference and appreciate diversity. All these enables us to achieve international understanding. And I believe I’m prepared to take on this responsibility” ani Versoza.

Una nang tiniyak ni Kylie na ibibigay sa Pilipinas ang pang-anim na Miss International crown at hindi nga ito nabigo.

Sumunod siya sa yapak nina Gemma Cruz-Araneta, Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Precious Lara Quigaman, at pinakahuli kay Bea Rose Santiago noong 2013.

Kahapon ay itinuring pa ni Kylie ang sarili bilang "luckiest girl" matapos makadaupang palad si Pangulong Duterte na nagkataong nasa Japan din para sa state visit.

Samantala, narito ang iba pang mga nagwagi:
4th Runner-up: USA
3rd Runner-up: Nicaragua
2nd Runner-up: Indonesia
1st Runner-up: Australia

Special Awards:
Miss Int'l Asia- HK
Miss Int'l Europe- Netherlands
Miss Int'l America- Miss Ecuador
Miss Int'l Africa- Miss Sierra Leone
Miss Int'l Oceania- Miss Hawaii

Read 3610 times Last modified on Thursday, 27 October 2016 20:41
Share this article

About author

Infinity Admin

Email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.