JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BORACAY, PALAWAN AT CEBU, NANGUNA BILANG WORLD'S BEST ISLANDS NG ISANG SIKAT NA TRAVEL MAGAZINE

Muling itinanghal ang Boracay, Palawan at Cebu bilang world’s best islands ng isang award-winning travel magazine ngayong taon.

Nakuha ng Boracay Island ang first spot sa Condé Nast Traveler’s 2016 Readers’ Choice Awards kung saan pumangalawa naman ang Palawan, na siyang nasa unang puwesto sa nakaraang dalawang taon, samantalang nasa ika-limang puwesto naman ang Cebu.

Inilarawan ng magazine ang Boracay bilang “itty-bitty island as close to a tropical idyll as you’ll find in Southeast Asia, with gentle coastlines and transporting sunsets.”

“Add in a thriving nightlife scene, and you have one of the top tourist spots in the region,” ayon pa rito.

Binanggit din ng Condé Nast Traveler na matatagpuan sa Palawan ang Puerto Princesa Underground River, isa sa pitong wonders of nature.

“Palawan’s natural wonder is one of the longest underground rivers in the world, traveling five miles through a subterranean cave system. Guided boat tours take visitors down a portion of the waterway, where karsts, natural rock formations created by dissolving limestone, loom in every direction,” ayon pa sa magazine.

Inilarawan naman ang Cebu bilang “not as wild as Phuket in Thailand more personal, with plenty of up-and-coming restaurants and shopping.”

Natalo ng Pilipinas ang ibang destinasyon, kabilang na ang Vancouver Island sa Canada, Turks at Caicos, Bermuda, Crete sa Greece, Bali sa Indonesia, Mykonos sa Greece, St. Barts, Cayman Islands, Sardinia sa Italy, Tahiti sa French Polynesia, Ibiza sa Spain, Santorini sa Greece, British Virgin Islands, St. John, USVI, at Sta. Lucia.

Read 722 times Last modified on Monday, 24 October 2016 07:14
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.