JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Business

PILIPINAS 'FASTEST GROWING ECONOMIES' PA RIN SA ASYA

Tiniyak ni NEDA Director Gen. Ernest Pernia sa Budget Briefing sa Kamara na mananatiling isa sa mga fastest growing economies sa Asya ang Pilipinas hanggang sa susunod na taon.

Ito ay kahit pa hindi lubusan umanong naabot ng bansa ang lahat ng economic target nito.

Kaugnay nito, sinabi ni Pernia na ang performance ng agriculture at fishiries sector ng mga dapat bantayan at pagbutihin pa sapagkat nakakabahala ang sunod-sunod na taong paghina ng output nito.

Sa kabilang dako, inamin din ni Pernia na malaking hamon pa rin ang masolusyunan ang kahirapan sa bansa.

Ito ay dahil sa patuloy pa rin aniya ang paglobo ng populasyon gayundin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon pa kay Pernia, ang mataas na presyo ng bilihin ay isa raw sa mga dahilan ng 30 percent increase ng antas ng kahirapan sa bansa sa nakalipas na anim na taon.

Read 3049 times Last modified on Monday, 22 August 2016 18:05
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.