JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Business

PASAHERONG NANAMPAL NG FLIGHT ATTENDANT, POSIBLENG I-BLACKLIST

Posibleng i-banned na ng tuluyan ng Cebu Pacific sa kanilang mga susunod na flight ang pasaherong nanampal ng stewardess noong Sabado.

Ayon sa Cebu Pacific, maaaring hindi na isakay sa susunod na flight ang sinumang marahas na pasahero. Bagama't umusad na ang investigation sa parte ng Cebu Pacific, tumanggi muna ang airline company na pangalanan ang sangkot na pasahero.

Ayon kay Atty. JR Mantaring, tagapagsalita ng Cebu Pacific, una nang inaprubahan ng Civil Aeronautics board ang internal blacklisting ng mga airline company batay sa kanilang mga rekomendayson. Hindi rin umano makakaila ng pasahero ang kanyang ginawa dahil apat ang hawak ngayong witness ng airline company na personal na nakakita sa aktuwal na pananampal kay Madel Ty.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng stewardess na si Ty ang paghaharap ng pormal na kaso laban sa naturang pasahero.

Read 3704 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.