Print this page

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LIBRENG ENTRANCE FEE SA NATIONAL MUSEUM, PERMANENTE NA

Kasabay ng inagurasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, inanunsyo ng National Museum na permanente nang magiging libre ang entrance sa lahat ng kanilang mga museo sa buong bansa.

Epektibo ngayong araw na ito ay wala nang babayaran ang lahat ng bibisita Pilipino man o dayuhan sa National Museum at iba pang museo sa ilalim ng pamamahala nito.

Layon nitong hikayatin ang mas maraming tao lalo na ang mga kabataan na bisitahin ang museo para mas makilala pa ang bansa at kasaysayan nito.

Dagdag pa dito, sinabi rin nilang sa pamamagitan nito ay tiyak na mas maipagmamalaki nila ang mga pamana ng kultura at sining ng Pilipino sa mas maraming tao.

Una nang nag-alok ng libreng entrance ang National Museum noong 2013 hanggang 2015 sa mga piling okasyon tulad ng National Arts Month, National Heritage Month at National Museums and Galleries Month.

Read 209 times
Tagged under
Share this article