JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

News

ULTIMATUM NI DUTERTE SA 3 PNP GENERALS SA ILLEGAL DRUGS, MAG-RESIGN BAGO ANG HUNYO 30

May isang linggo pa ang tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa illegal drugs at iba pang illegal na gawain para magpaalam sa serbisyo.

Sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa oath-taking ceremony ni Sen. Manny Pacquiao kahapon sa Saranggani province, kapag hindi kusang nagretiro ang 3 PNP general ay papangalanan niya ang mga ito sa kanyang speech.

Upang maiwasan aniya ang kahihiyan ay mas makabubuting magretiro na lamang ang 3 PNP generals na ito sa tanghali ng ika-30 ng Hunyo bago siya manumpa bilang ika-16 na Pangulo ng bansa.

“Kapag hindi kayo kusang umalis sa PNP ay papangalanan ko in public ang 3 heneral na sangkot sa illegal drugs,” banta ni Duterte kamakalawa.

Xero tolerance sa corruption at kriminalidad aniya ang magiging pamantayan ng administrasyong Duterte at hindi niya papayagan na sirain ng mga tiwali at kriminal ang bansa, lalo na ang kabataan.

Nakatakdang manumpa bilang Punong Ehekutibo ng bansa si Duterte kay Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes sa Rizal Hall ng Malacanang kung saan ay nasa 627 na bisita ang imbitado.

Una nang inihayag ni incoming Communications Secretary Martin Andanar na off limits sa private media ang coverage ng oath taking ni Duterte bagkus ay PTV 4 at Radio TV Malacanang (RTVM) lamang ang papayagan na makapasok sa Palasyo.

Read 5312 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.