JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

News

MALAKING OPORTUNIDAD ANG PAGTANGGAP NA MAGING MIYEMBRO NG GABINETE NI DUTERTE - LOPEZ

Isinaalang-alang umano ni Ms Gina Lopez ang kapakanan ng bansa kaya niya tinanggap ang alok sa kanya ng incoming President Rodrigo Duterte na maging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Lopez, makaling oportunidad ang pagtanggap na maging miyembro ng gabinete ni Duterte.

Aniya, kung pagbubutihin lamang ang pamamahala sa nasabing ahensiya na una nang kinikonsidera ng president-elect na problemado ay magdadala ito ng malaking pagbabago.

Paliwanag pa ni Lopez, kaya mahigpit ang kanyang pagtutol sa mining ay dahil ang mga mahihirap ang naaapektuhan habang ang mga dayuhan naman ang nagbebenipisyo.

Maghahatid din daw ito nang pagkasira sa kalikasan at sa komunidad lalong lalo na sa kalusugan.

Malaki ang paniniwala ni Lopez na uunlad ang bansa at mawawala ang kahirapan sa pamamagitan nang pag-aalaga sa kalikasan at pag-develop sa mga ito.

Ang pagsira umano sa kalikasan ay pareho lamang sa pagpatay.

Ang pagtalaga kay Lopez ay umani na rin nang papuri sa grupo ng mga environmentalist dahil sa pagiging kilalang anti-advocate nito.

Pero ang ilang mining companies ay nakaranas naman nang paghina sa stock market ng bansa matapos ang anunsiyo si Lopez bilang susunod na DENR secretary.

Read 4893 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.