JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

IGINIIT NI BUHAY PARTY-LIST REPRESENTATIVE LITO ATIENZA NA ISANG ABORTIFACIENT ANG CONTRACEPTIVE IMPLANTS NA IMPLANON AT IMPLANON NXT.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI ATIENZA NA ANG IMPLANON AT IMPLANON NXT AY NAGDUDULOT NG PAGHINA NG UTERINE WALL O LINING NG SINAPUPUNAN NG ISANG INA NA SIYANG NAGIGING DAHILAN NG PAGKALAGLAG NG ISANG FETUS, BUKOD PA SA IBA'T IBANG SAKIT NA MAAARING IDULOT NITO.

PALIWANAG PA NG MAMBABATAS, ITO ANIYA ANG DAHILAN KAYA DAPAT NA HUWAG ITONG ISAMA NG DEPARTMENT OF HEALTH O DOH SA MGA CONTRACEPTIVES NA IPAMAMAHAGI NITO SA PUBLIKO

KAUGNAY NITO, NAIS DING IHIRIT NI ATIENZA SA KORTE SUPREMA NA ILABAS NG FDA ANG NAGING BASEHAN NITO PARA IDEKLARANG WALANG TAGLAY NA ABORTIFACIENT ANG MGA NASABING URI NG CONTRACEPTIVE IMPLANTS.

MATATANDAANG NITONG NAKARAANG LINGGO AY KINUMPIRMA NG FOOD AND DRUG ADMINISTRATION O FDA NA WALANG TAGLAY NA ABORTIFACIENT O NAGSASANHI NG ABORTION ANG 51 NA CONTRACEPTIVE PRODUCTS, KABILANG NA ANG KONTROBERSYAL NA IMPLANON AT IMPLANON NXT.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

SANG-AYON ANG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES SA NAGING PAHAYAG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA ITURING NA BILANG MGA KRIMINAL AT TERORISTA ANG MGA MIYEMBRO NG NEW PEOPLE'S ARMY O NPA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI AFP SPOKESPERSON BRIGADIER GENERAL RESTITUTO PADILLA NARARAPAT LANG ITO DAHIL SA NAGING GAWAIN NA NG NPA ANG MAGSAGAWA NG ECONOMIC SABOTAGE TULAD NG PANUNUNOG NG MGA HEAVY EQUIPMENT AT MANIRA NG MGA ISTRUKTURANG PANG-NEGOSYO.

DAHIL SA GAWAING ITO NG MGA REBELDENG GRUPO, NAAAPEKTUHAN ANIYA ANG KABUHAYAN NG MGA ORDINARYONG MAMAMAYAN NA UMAAASA SA MGA NATURANG NEGOSYO.

SA NGAYON, AYON KAY PADILLA, AY PATULOY ANG PAGTUGIS NG MILITAR SA MGA MIYEMBRO NG NPA NA SANGKOT SA IBA'T IBANG KRIMEN.

INAASAHAN RIN ANIYA NG AFP PAGPAPALABAS NI PANGULONG DUTERTE NG PORMAL NA PROKLAMASYON PARA SA PAGTURING NA TERORISTA SA NASABING REBELDENG GRUPO.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

WALA PANG KASIGURUHAN ANG PAGKAPANALO NINA PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE AT PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS ASSISTANT SECRETARY MOCHA USON SAKALING MATULOY ANG KANDIDATURA NITO SA 2019 MIDTERM ELECTIONS.

ITO ANG REAKSYON NI INSTITUTE FOR POLITICAL AND ELECTORAL REFORM EXECUTIVE DIRECTOR PROF. RAMON CASIPLE MATAPOS NA IANUNSYO NI HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ NA KABILANG SINA ROQUE AT USON SA SENATORIAL SLATE NG PDP-LABAN SA 2019 ELECTIONS.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI CASIPLE NA SA NGAYON AY WALA PANG NAITATATAG NA KONKRETONG REPUTASYON SA LARANGAN NG PULITIKA ANG DALAWANG CABINET MEMBERS PARA MAIPANALO ANG KANILANG KANDIDATURA.

DAGDAG PA NI CASIPLE, BAGAMAT MILYON-MILYON ANG FOLLOWERS NI USON SA SOCIAL MEDIA AY HINDI NAMAN MATUKOY KUNG ILAN ANG BOTANTE SA MGA ITO KAYA HINDI RIN MASASABING OTOMATIKONG MAGIGING MILYON DIN ANG BOTONG MAKUKUHA NITO.

ANG TANGING MALINAW LANG ANIYA AY BUO ANG KANILANG KATAPATAN SA PANGULONG RODRIGO DUTERTE KAYA SILA NAPABILANG SA PDP-LABAN SENATORIAL SLATE.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGBABALA SI  AKBAYAN PARTY-LIST REP. TOM VILLARIN, KASAPI NG MAGNIFICENT 7 O ANG TINATAWAG NA GENUINE OPPOSITION KAY REP. REYNALDO UMALI NA HUWAG LABAGIN ANG CONSTITUTIONAL RIGHTS TO DUE PROCESS NI SERENO.

AYON KAY VILLARIN,  ANG PAHAYAG NI UMALI NA HINDI PAPAYAGAN ANG COUNSEL NI SERENO NA MAGTANONG AY MISTULANG ISANG GAG ORDER PARA SA CHIEF JUSTICE. 

AYON KAY VILLARIN, KUNG HINDI MAN SISIPOT SI SERENO SA PAGDINIG, IYON UMANO AY TANDA NG PAGPOPROTESTA.

UNA NG IPINAHAYAG NI  ALBAY REP. EDCEL LAGMAN NA MAY KARAPATAN SI SERENO NA BALEWALAIN ANG IMBITASYON NG KAMARA DE REPRESENTANTES AT PWEDE SIYANG IREPRESENTA NG KANYANG ABOGADO. 

TALIWAS NAMAN ITO SA PANANAW NG CHAIRMAN NG JUSTICE COMMITTEE NA SI REP.  REYNALDO UMALI DAHIL HINDI NAMAN UMANO PINAPAYAGAN SA KAMARA NA MAG CROSS EXAMINE ANG ISANG ABOGADO SA ISANG TESTIGO SA IMPEACHMENT COMPLAINT.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

KONTRA SI HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE CHAIRMAN REPRESENTATIVE REYNALDO UMALI SA MUNGKAHI NI CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO NA PAYAGAN ANG KANYANG ABOGADO NA MAGSAGAWA NG CROSS EXAMINATION SA TESTIGO LABAN SA KANYA. 

KUNG IPIPILIT UMANO NI SERENO ANG KANYANG GUSTO NA DALHIN SA KORTE SUPREMA ANG IMPEACHMENT AY HINDI MALAYONG MAGKAROON NG  CONSTITUTIONAL CRISIS. 

AYON KAY UMALI,  SA RULES OF PROCEDURE NG IMPEACHMENT PROCEEDINGS NG KAMARA HINDI PINAPAYAGAN ANG COUNSEL NG IMPEACHABLE OFFICIAL NA MAGSALITA SA HEARING. 

PINAPAYAGAN LAMANG UMANO MA MAGSALITA ANG COUNSEL SA TRIAL PROPER NG IMPEACHMENT COURT NG SENADO. 

MULI RING IPINAALALA NG KONGRESISTA KAY SERENO NA ANG IMPEACHMENT AY POLITICAL IN NATURE .

MAS MAIGI UMANONG GAWIN NI SERENO AY HUMARAP SA PANEL SA MIYERKULES NOVEMBER 22 PARA MAKAPAGPALIWANAG SA MGA EBIDENSYA NA IHAHARAP LABAN SA KANYA O IDEDETERMINA NG KOMITE KUNG MAY PROBABLE CAUSE ANG TEKSMO, KUNG HINDI NIYA NAIDEDEPENSA ANG SARILI DAHIL ANG HINDI PAGSIPOT SA HEARING AY NANGANGAHULUGAN NA NAIWAIVE NA NITO ANG KARAPATAN. 

SA 27 IMPEACHMENT COMPLAINT NA INIHAIN NI ATTY. LARRY GADON NA IDINEKLARANG SUFFICIENT IN FORM NG KOMITE,  PINAKAMATINGKAD RITO ANG CULPABLE VIOLATION OF THE CONSTITUTION, BETRAYAL OF PUBLIC TRUST, CORRUPTION, AT IBA PANG MATATAS NA KRIMEN KABILANG ANG HINDI PAGDEDEKLARA NG TUNAY NA YAMAN.. 

HABANG ANG IKALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT NA INIHAIN NINA VACC FOUNDING CHAIRMAN DANTE JIMENEZ AY IBINASURA SA KAWALAN NG SUFFICIENCY IN FORM.

Page 1 of 1398