JoomlaLock.com All4Share.net

Life & Leisure

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Gina Mape

HINIKAYAT ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mamamayan na magbagong loob, magsisi at manalig sa salita ng Diyos.

Nasasaad ito sa Lenten message ni Cardinal Tagle sa pagsisimula ng banal na panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng Ash Wednesday.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa banal na panahon ng kuwaresma ay binibigyan ng 40-araw ang mga mananampalataya upang makapaghanda at sumabay kay Hesus na naglakbay patungo sa kanyang kamatayan dala ang pag-ibig sa sangkatauhan.

Inihayag ng Kardinal na sa loob ng 40-araw ay inaanyayahan tayo na alalahanin si Hesus na sinasamahan tayong makasalanan patungo sa kabanalan.

Nagsimula na naman sa araw na ito ang banal na panahon ng kuwaresma, apatnapung araw binibigay sa atin upang tayo ay makapaghanda na sumabay kay Hesus na naglakabay patungo sa kanyang kamatayan dala ang pag-ibig sa atin. Bagamat walang kasalanan nakiisa sa atin at itinuring na makasalanan, isinakdal kahit walang kasalanan pero ginawa niya ito upang samahan tayong makasalanan at ihatid tayo mula sa kasalanan sa kabanalan.”mensahe ni Cardinal Tagle

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ganap nating makakasama si Hesus sa paglalakbay sa pamamagitan ng pagbabagong -loob o pagsisisi.

“Sa apatnapung araw ng kuwaresma, tayo ay inaanyayahan na alalahanin si Hesus na hindi nang-iwan sa atin. Upang tayo ay huwag din mang-iwan sa kanya ay magaganap sa pamamagitan ng tinatawag na pagbabagong loob o tinatawag na pagsisisi”.paliwanag ni Cardinal Tagle

Paano natin magaganap ang pagbabagong loob?

Sinabi ng Kardinal na ang taong nagbagong loob ay maraming magagawang mabuti sa kapwa at lipunan dahil kumapit na sa Diyos.

Ayon kay Cardinal Tagle, umiiral ang inggit, galit, kayabangan at paghihigante sa mga taong walang pagbabagong loob.

Nasa kalooban ng tao nagmumula ang inggit, ang galit, ang kayabangan, ang paghihiganti, ang pag-iisip ng masama sa kapwa. Kaya inaanyayahan tayo na bumalik na sa Diyos at magbagong loob. Papaano natin magaganap ang pagbabagong loob? Ang taong nagbagong loob ay kumapit na sa diyos, iyan ay maraming magagawa para sa kapwa at lipunan”.pagtitiyak ni Cardinal Tagle

Inihalimbawa ng Kardinal ang “Lenten message” ni Pope Francis na ating mapapangatawanan ang pagbabagong loob kung matutuklasan ng ating loob ang salita ng Diyos na magiging kontribusyon natin sa pagbabago ng mundo.

Dagdag pa ng Kardinal, ipinaalala ni Pope Francis na bukod sa salita ng Dios nilang regalo pati ang Kapwa tao ay regalo.

Sa lenten message ni Pope Francis, dalawang simpleng bagay para ating mapangatawanan ang ating pagbabagong loob na magiging kontribusyon natin sa pagbabago ng mundo. Una sabi niya, sana matuklasan ng ating loob ang salita ng Diyos bilang talagang regalo ng diyos. Sa pagpapahid ng abo, ang isang sasabihin ay "REPENT AND BELIEVE IN THE GOSPEL". Magbagong loob ka, magsisi ka at manalig sa salita ng Diyos. Ang salita ng diyos ay liwanag sa ating paanan, sa ating paglalakbay, ang salita ng diyos kapag pinakinggan at hinayaang tumimo sa ating puso ito ang magiging daan para lalo tayOng makilala sa diyos at mai-ugnay natin ang kalooban natin sa kanyang kalooban. Bukod sa salita ng Dios nilang regalo pati ang Kapwa tao ay regalo rin, Kaya alay-Kapwa. Hindi pabigat na suliranin ang Kapwa bagkus regalong dapat kalingain. Tulad ng pagkalinga ni Jesus sa mga makasalanan”.bahagi ng lenten message ni Pope Francis, ayon kay Cardinal Tagle

Hinikayat pa ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na ang matitipid sa pagtitika at pag-aayuno ay gawing pagkain ang salita ng Diyos,ang Bibliya.

Umaasa ang kanyang Kabunyian na sa loob ng apatnapung araw ng banal na panahon ng kuwaresma ay maging marubdob ang pakikinig, pagbabasa at pagdarasal ng salita ng Diyos ng mga mananampalataya

 

 

 

CHRISTMAS KICK-OFF AT THE CENTURY PARK HOTEL Top Story

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

We got it first here! The Century Park Hotel last November 17, 2016 has officially unveiled the Christmas curtain with the lightning of its bright 35-feet-tall Christmas tree which now proudly sits at the center of hotel’s Atrium Lounge, reminding everyone that with a little over 30 days to go, Christmas Day would soon be here.

This grand event which was graced by no less than the hotel owner, Dr. Lucio Tan, his family and their friends signified the beginning of the yuletide season. Along with the Tan family, Ms. Earth Philippines Loren Mar Artajos lead the lighting ceremony.

 

MEET AND GREET Top Story

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

The Miss Earth 2016 winners: Miss Earth - Fire Bruna Zanardo, Miss Earth - Water Stephanie de Zorzi, Miss Earth - Air Michelle Gómez and Miss Earth 2016 Katherine Espín with no less than Mr. Lucio Tan held last November 3, 2016 at the Century Park Hotel: "Your home away from home". 

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

GABI NG PARANGAL AT PASASALAMAT

MAPECON 55th Anniversary & Invr. Gonzalo Catan 80th Birthday 

 

October 28, 2016, 7pm at Mayon Grand Ballroom, Century Park Hotel, Adriatico St., Malate, Manila

LUXENT HOTEL CHRISTMAS TREE LIGHTING

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BACK TO SCHOOL TIPS

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Ilang araw na lang at pasukan na naman. Panahon na rin ng pag-iisip ng mga paraan kung paano makatipid at mapagkasya ang badyet para sa mga school supplies. Don't worry, narito ang ilang tips para diyan:


• Ayusin ang mga lumang gamit sa eskwelahan. Piliin kung alin ang maaari pang gamit at mapakinabangan. Halimbawa, ipunin ang mga bahagi ng notebook na wala pang sulat at saka ito buuin upang maging panibagong notebook.


•Gumamit ng papel imbes na plastic. Subukin ang mga lumang dyaryo at gamit na manila paper upang ipantakip sa mga kwaderno at libro imbes na plastic. Malaki rin ang maitutulong nito para sa kalikasan.


• Bumili ng mga matitibay at dekalidad na gamit. Halimbawa, kung ang bibilhing bag ay madaling masira, higit pa ang magiging gastos dahil sa paulit-ulit na pagbili ng bago.


• Piliin ang mga reusable containers. Kung nagbabaon, mas malaki ang matitipid kung reusable containers ang gagamitin dahil hindi na kakailanganin pang paulit-ulit na bumili ng bagong lalagyan.


• Isipin na ang paglalakad sa pagpasok. Kung malapit lang naman ang paaralan, lakarin na lamang ito upang makatipid sa pamasahe. Isa rin itong paraan upang makapag-ehersisyo.


• Mamili sa Divisoria o kaya naman ay samantalahinang mga sale. Hindi maikakailang napakamurang mga paninda sa Divisoria ngunit marapatna maging doble ingat, higit na sa kalidad. Mayroon din namang mga sale sa mall o discountsa mga tindahan kung madami ang bibilhin. Ang Department of Trade and Industry o DTI naman ay mayroong Diskwento Caravan Balik Eskwela Edition kung saan napakamura ng mga dekalidad na gamit.

Page 1 of 2