JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
COOL KA LANG! ICE CREAM PARA SA TAG-INIT

Ang ice cream o mas kilala nating mga Pinoy sa tawag na sorbetes ay isang pinalamig o pinagyelong panghimagas na gawa mula sa krema at may idinagdag na mga pampalasa gaya ng mga pampatamis, prutas, gatas, tsokolate, mani at marami pa ngayong mga bagong nai-embentong flavor ng ice cream.

Bentang benta ang ice cream sa panlasa ng mga Pinoy matanda man o bata.

Ngayong tag-init siguradong bibida na naman ang ice cream o sorbetes sa takilya.

Pero bago tayo magsimulang maglaway sa sarap at lamig ng malinamnam na sorbetes alamin muna natin kung saan ba ito nagmula at kailan ito nadiskubre,

Sa bansang China, ginamit ang frozen na gatas at bigas noong 200 BC at nagdagdag pa sila ng snow at saltpetre na may halo ring syrup at pinalamig sa below zero freezing point.

Sa Persia naman at sa Roma, tag-init din noong na-imbento ang yelo na hinaluan ng saffron, prutas at iba pang pampalasa. 

Sa bansang Asya naman, Noong sixteenth century, Ang Mughal Emperors ay gumamit ng mga horsemen upang dalhin ang yelo mula sa Hindu Kush papunta sa Delhi, na hinaluan ng prutas para maging fruit ice cream.

Ilan sa mga pinaka-sikat na ice cream shop sa Pilipinas ay ang Icebergs, Cara Mi Gelateria, Crepes and Cream, Manila Creamery Artisanal Gelato at ang Dairy Queen.

Read 334 times Last modified on Wednesday, 11 May 2016 20:08
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.