JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

DISMAYADO SI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III SA PAKAKA-ABSUWELTO NG DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) KAY DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT SA ILANG OPISYAL NG BOC SA KASONG ISINAMPA NG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) SA PAGKAKAPUSLIT NG P6.4 BILYON NG SHABU SHIPMENT SA ILALIM NG PAMAMAHALA NG GRUPO NI FAELDON.

SA PANAYAM AMINADO SI PIMENTEL NA DISMAYADO ITO SA DESISYON NG DOJ DAHIL KITANG KITA ANIYA SA TAKBO NG PAGDINIG SA SENADO NA MAY KAPABAYAAN KUNG KAYAT NAKALUSOT ANG KONTRABANDO SA CUSTOM.

NAGTATAKA SI PIMENTEL DAHIL HALOS LAHAT NAABSUWELTO NG DOJ KUNG SAAN UMAABOT SA 600 KILOS NG SHABU ANG NAKALUSOT SA CUSTOM NA NAKUMPISKA SA WAREHOUSE SA VALENZUELA.

ANIYA NG SENADOR IMPOSIBLENG WALANG KAHIT ISANG OPISYAL ANG SANGKOT SA PAGPAPALUSOT NG DROGA.

SA KABILA NITO SINABI NI PIMENTEL NA BIGYAN PARIN NG PAGKAKATAON NA MAKAPAGPALIWANAG ANG DOJ.

ANIYA NG SENADOR KAKAUSAPIN NITO SI DOJ SECRETARY VITALIANO AGUIRRE KUNG BAKIT GANUN ANG KINALABASAN NG RESOLUSYON SA KASONG ISINAMPA NG PDEA SA GRUPO NI FEALDON NA HANGGANG SA NGAYON NAKA-DETINE PARIN SA SENADO.

BUKOD SA PAGKADISMAYA SA KASONG KINAHAHARAP NI FAELDON NAGPAHAYAG DIN NG PAGKADISMAYA SI PIMENTEL SA PAGBASURA NG KASO NG DOJ SA KONTROBERSYAL NA PAGNANAKAW NG PERA NG BANGLADESH NA NAPUNTA SA RCBC NA NADAWIT NAMAN ANG ILANG CASINO JUNGKET OPERATOR AT ILANG OPISYAL NG RCBC NA KANYA RIN ITATANONG KAY SECRETARY AGUIRRE.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADOR WIN GATCHALIAN NA MALAKING KAWALAN PARA SA GOBYERNO ANG PAGBIBITIW SA PWESTO NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY FOR RAILS USEC CESAR CHAVEZ.

AYON KAY GATCHALIAN, SI CHAVEZ AY TAPAT AT DIREKTANG SUMASAGOT SA MGA NAGIGING PROBLEMA SA OPERASYON NG METRO RAIL TRANSIT (MRT) LINE 3.

SA PANAYAM SINABI NI GATCHALIAN NA DEDICATED SA TRABAHO SI CHAVEZ NA ALAS 4:30 PA LAMANG NG UMAGA AY NASA TANGGAPAN NA ITO PARA PERSONAL NA PAMAHALAAN ANG KANYANG NASASAKUPAN.

APELA NAMAN NI GATCHALIAN SA PAMAHALAAN, KAAGAD MAIPALIWANAG SA PUBLIKO KUNG ANO BA ANG TIYAK NA PLANO AT SOLUSYON PARA MAIAYOS ANG OPERASYON NG MRT 3 AT MAIBSAN ANG PROBLEMA NG TRAPIKO SA BANSA

MAGUGUNITA NA NAGHAIN NG IRREVOCABLE RESIGNATION SI USEC CHAVEZ SA PAGSASABING HINDI NA NIYA IINTAYIN PA NA HINGIN NG PUBLIKO ANG KANYANG RESIGNATION DAHI SA KAPALPAKAN NG MRT 3 KASABAY NG PAG-AKO SA RESPONSIBILIDAD SA MGA NAGING ABERYA NG MRT 3.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADOR RICHARD GORDON CHAIRMAN NG BLUE RIBBON COMMITTEE NA NAKALUSOT MAN SINA DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT IBA PANG OPISYAL SA DEPARTMENT OF JUSTICE ( DOJ) SA KINAHAHARAP NA KASO NA ISINAMPA NG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY( PDEA) SA PAGKAKALUSOT NG P6.4 BILYON SHABU SHIPMENT SA BOC.

ANIYA NI GORDON HINDI PARIN MAKAKALUSOT ANG MGA NATURANG OPISYAL SA KAHAHARAPING KASO SA OMBUDSMAN NA BASE SA COMMITTEE REPORT NG ISINAGAWA NITONG PAGDINIG SA SENADO.

SA PANAYAM SINABI NI GORDON NA MAJORITY SA MGA SENADOR NA MIYEMBRO NG BLUE RIBBON COMMITTEE AY LUMAGDA NA SA COMMITTEE REPORT UKOL SA ISYU NG NAKALUSOT NA SHABU SHIPMENT SA CUSTOM.

IGINIIT NI GORDON NA BASE SA KANYANG COMMITTEE REPORT LUMALABAS NA NAGKAROON NG KAPABAYAAN ANG GRUPO NI FAELDON KUNG KAYA'T NA-FACILITATE AT NAKALUSOT ANG SHABU SHIPMENT SA CUSTOM NA BASE NARIN SA ISINAGAWANG PAGDINIG SA SENADO.

ANIYA DAHIL SA GINAWA NG GRUPO NI FAELDON MARAMING NAKAPASOK NA DROGA SA BANSA NA KANYANG IREREKOMENDA SA OMBUDSMAN NA KASUHAN SA SANDIGANBAYAN.

BUKOD DITO NAKIKITA RIN NI GORDON NA POSIBLENG SUMABIT DIN ANG GRUPO NI FAELDON SA ISINASAGAWA PA NILANG PAGDINIG UKOL SA PAGTANGGAP NG PAYOLA O TARA NA ALEGASYON NI SENADOR PANFILO LACSON.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

KINUWESTIYON NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON ANG PAGBASURA NG DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SA KASONG ISINAMPA NG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) LABAN KINA DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT IBA PANG OPISYAL UKOL SA NAKAPUSLIT NA P6.4 BILYONG HALAGA NG SHABU SHIPMENT.

AYON KAY GORDON, TUTOL SYA IN PART SA PAGKAKADISMISS NG DOJ SA KASO LABAN KINA FAELDON KUNG SAAN WALA PANG PINAL NA EBIDENSYA NA MAGPAPATUNAY NA WALA NGANG KINALAMAN ANG MGA DATING BOC OFFICIALS SA SHABU SHIPMENT NA NAKAPUSLIT GAMIT ANG GREEN LANE.

PALIWANAG NI GORDON, KUNG INAABSWELTO SINA FAELDON AT CAPT. GERARDO GAMBALA, DAPAT UMANONG BUSISIIN PA NG MAS MABUTI ANG KAUGNAYAN NI CAPTAIN NILO MAESTRECAMPO SA NABANGGIT NA SHABU SHIPMENT LALO AT ITO ANG RESPONSABLE SA PAGLUSOT NG SHIPMENT SA GREEN LANE.

GIIT NI GORDON, PREMATURE PA NA TULUYAN NA IBASURA ANG KASO LALO AT SA NGAYON AY INIIMBESTIGAHAN PA RIN NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE ANG POSIBLENG KINALAMAN NG MGA SANGKOT SA SHABU SHIPMENT SA UMIIRAL NA KORAPSYON AT TARA SYSTEM SA CUSTOMS.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NASA ISANLIBONG (1,000) MGA BUS ANG MABABAWASAN SA KAHABAAN NG EDSA KAPAG BINUKSAN ANG MODERNONG TRANSPORT TERMINAL SA PARAÑAQUE CITY.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY TIM ORBOS NA SA PAGBUBUKAS NG SOUTHWEST INTEGRATED TRANSPORT EXCHANGE O SWITEX AY INAASAHANG MASUSULUSYUNAN ANG PROBLEMA SA TRAPIKO SA METRO MANILA.

AYON PA KAY ORBOS, PINAGSAMANG TERMINAL NG LRT, BUS, UV EXPRESS AT JEEP ANG SWITEX PARA MADALING MAGPALIPAT-LIPAT NG MASASAKYAN ANG MGA PASAHERO.

HINDI RIN DAPAT ANIYA MABAHALA ANG MGA PASAHERO NA MALAYO ITO DAHIL NASA TATLONG LIBONG (3,000)  CITY BUSES ANG DITO RIN MAGTE-TERMINAL KAYA HINDI RIN MAKADARAGDAG SA PAMAHASAHE NA SUMASAKAY NG MGA BUS TUNGONG CAVITE O BATANGAS.

SA NGAYON AY NASA HALOS 50 PORSYENTO NA ANG NATATAPOS SA NATURANG PROYEKTO NA INAASAHANG MABUBUKSAN SA ABRIL 2018.

Page 1 of 1404