JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MGA DISENYO NG BARONG PARA KAY MAYOR RODRIGO DUTERTE, INIHAHANDA NA NG MGA  DESIGNER

Isang simpleng inagurasyon lang daw ang hiling ni incoming President Rodrigo Duterte pero para sa kababayan niyang fashion designers dapat maganda pa rin daw ang barong ni Digong.

"Ordinaryo lang, maraming historya para inagurasyon lang, big deal. What's so important about barong? Lahat ng kaibigan ko namatay naka-barong, " ito ang sagot ni Presumptive President Rodrigo Duterte nang tanungin kung ano ang isusuot sa kanyang oath taking sa Malacañang sa Hunyo 30.

Pero hindi raw papayag ang mga fashion designer mula sa Davao. Gaya na lang ng suking patahian ni Duterte na Chardin.

Sila ang nagtahi ng barong na isinuot ng alkalde sa Presidential Debate sa Cebu at sa nalalapit na oath taking ni Duterte, isang box type embroidered barong ang kanilang ginawa.

May isa ring fully-embroidered ang disenyo at kung papayag daw si Duterte, daragdagan pa daw nila ng Mindanaoan touch ang mapipili nitong barong.

 

Read 272 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.