JoomlaLock.com All4Share.net

Entertainment

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JETT DIAZ | 8TRIMEDIA

TINAPOS NG KAUNA-UNAHANG PINAY NA SI MAUREEN WROBLEWITZ  ANG LABAN  AT NAIUWI NGA NITO ANG KORONA. TINANGHAL SIYA BILANG  “ASIA’S NEXT TOP MODEL SEASON 5 GRAND WINNER”.

HINATAW NG DALAGA ANG KANÝANG FINAL PICTORIAL SHOOT NA MAY TEMANG “AVANT GARDE” NA NANGIBABAW SA LAHAT NG KANÝANG KATUNGGALI.

MATATANDAANG BINULLY SI MAUREEN AT BINANSAGAN PA NG KANÝANG KAPWA KANDIDATA NA “GIRL WITH NO SKILLS”.

PERO HINDI SIYA PINANGHINAAN NG LOOB AT PATULOY PA RIN LUMABAN PARA SA KANÝANG PANGARAP.

PINATAOB NI MAUREEN ANG PAMBATO NG VIETNAM AT MALAYSIA NA SINA MINHTU NGUYEN AT SHIKIN GOMEZ SA FINAL ROUND.

SI MAUREEN AY MAKAKAKUHA NG ISANG KOTSE, CASH PRIZE AT MODELLING CONTRACT NA IKINATUWA NIYA AT NG KANÝANG MGA TAGASUPORTA.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JETT DIAZ | 8 TRIMEDIA

SIMULA PA LANG AY NANIWALA NA ANG MGA PRODUCERS NG PELIKULANG “KITA KITA” SA PINAG-UUSAPANG TAMBALAN NGAYON, ANG ‘ALEMPOY’ NINA ALESSANDRA DE ROSSI AT EMPOY MARQUEZ.

ANG TINUTUKOY NAMING PRODUCERS AY SINA PIOLO PASCUAL, ERICKSON RAYMUNDO AT BB. JOYCE BERNAL NG SPRING FILMS, PATI NA RIN NG VIVA FILMS.

MATINDI ANG PANINIWALA NG MGA ITO NA ANG ISANG KAKAIBANG LOVETEAM AY POSIBLENG MAY PUWANG DIN SA MOVIE INDUSTRY. 

IN FAIRNESS, SA TRAILER PA LANG NG “KITA KITA” AY MARAMI NANG NA-INLOVE SA KARAKTER NINA ALEX AT EMPOY, SA KATUNAYAN MILYUN-MILYON NA ANG VIEWS AT LIKES NITO MULA NANG MAI-POST SA SOCIAL MEDIA.

ANG KABUUAN NG PELIKULA AY KINUNAN PA SA JAPAN SA DIREKSYON NI SIGRID ANDRES BERNARDO, ANG NAGDIREK DIN NG AWARD-WINNING FILM NA “ANG HULING CHACHA NI ANITA” NINA ANGEL AQUINO AT THERESE MALVAR.

ANG “KITA KITA” AY TINAWAG DING ROMANTIC MILLENNIAL FILM NA TUNGKOL SA ISANG BABAENG NABULAG AT NA-INLOVE SA HINDI KAGWAPUHANG OFW. PERO ANO KAYA ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG BUMALIK ANG KANYANG PANINGIN AT MAKITA ANG ITSURA NG PINAKAMAMAHAL NA LALAKI?

ANG ROMANTIC COMEDY NA PELIKULA AY INAASAHANG GAGAWA NG INGAY SA INDUSTRIYA AT SOCIAL MEDIA PAG NAPANUOD NG MASA.

Page 9 of 133