JoomlaLock.com All4Share.net

Entertainment

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: MATTHEW ESCOSIA

NAGBITIW NA SA PWESTO BILANG MMFF SELECTION COMMITTEE MEMBERS SINA ROLANDO TOLENTINO, RICKY LEE AT KARA MAGSANOC-ALIKPALA MATAPOS IANUNSYO ANG APAT NA PELIKULANG SASABAK SA NASABING FILM FESTIVAL.

AYON KAY TOLENTINO, ANG RULES COMMITTEE CHAIRPERSON, PATUNAY DAW ANG SELEKSYON NG MMFF SCRIPTS SA TUNAY NA "HIDWAAN NG KOMERSYAL AT KALIDAD." 

DAGDAG NITO, "TUNAY DIN MAY KAPANGYARIHAN ANG KOMERSYAL INTERES" AT WALANG "INTERES BURAHIN ANG INDIE AT MAINSTEAM DISTINCTION."

NAGKOMENTO NAMAN ANG BATIKANG MANUNULAT NA SI RICKY LEE SA NANGYARI. 

ANIYA, "NOONG UNA PA MAN NANG PUMAYAG AKONG SUMALI, NAG-DECIDE NA AKO NA MAG-I-STAY LANG AKO KUNG IPAGPAPATULOY NITO ANG NASIMULAN NANG REFORMS NG 2016. SA NAGIGING TAKBO NG MGA PANGYAYARI NGAYON AY MUKHANG MALABO NA IYONG MANGYARI. KAYA WALA NA RING DAHILAN PARA MAG-STAY PA AKO."

ANG APAT NA PELIKULA NA NAPILI SA 26 NA SINUMITENG SCRIPTS AY ANG "ANG PANDAY" NI COCO MARTIN, "ALMOST IS NOT ENOUGH" NA PINAGBIBIDAHAN NG TAMBALANG JERICHO ROSALES AT JENNYLYN MERCADO, "THE REVENGERS" NI VICE GANDA AT DANIEL PADILLA, AT ANG SUSUNOD NA PELIKULA NI VIC SOTTO NA "LOVE TRAPS #FAMILYGOALS." 

ANG MGA PELIKULA AY IPINRODYUS NG MGA KOMPANYANG TULAD NG STAR CINEMA, REGAL FILMS, AT OCTOARTS FILMS.

ANG SUSUNOD NA APAT NA PELIKULANG KABILANG SA METRO MANILA FILM FESTIVAL LINE-UP NGAYONG TAON AY IAANUNSYO SA NOBYEMBRE.

 

Last modified on Monday, 03 July 2017 21:32

NEW CHILD WONDER NG PINAS, KILALANIN

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JETT DIAZ | 8TRIMEDIA

 

TALAGA NAMANG HINDI MAPAGKAKAILA ANG TAGLAY NA KAGWAPUHAN AT HUSAY NG BAGONG CHILD ACTOR NA SI JUSTIN JAMES QUILANTANG O MAS KILALA BILANG LITTLE ‘TRISTAN’ NA NAKILALA SA TOP TRENDING FANTASERYE NG DOS NA ‘LA LUNA SANGRE’.

SA EPISODE KAGABI NG GANDANG GABI VICE AY MAKIKITA ANG PANGUNGULIT NG MGA CHIKITING NG LA LUNA SANGRE SA UNKABOGBLE STAR NA SI ‘VICE GANDA’.

TRENDING ANG MGA BAGETS NA NAGPAKITANG GILAS SA KANILANG TALENTO SA PAG SAYAW AT HUSAY SA PAG ARTE NA IKINA-ALIW NG MADLANG PEOPLE AT MADLANG NETIZENS.

PERO HINDI MAIWASANG HINDI MAPANGITI AT MATUWA SA KA-KYUTAN NI ‘TRISTAN’ NA NAPAKA BIBO AT NAPAKA SWEET NA BATA.

MAKIKITANG TUWANG TUWA SI VICE SA CHILD STAR NA NILALAMBING SIYA AT NIYAYAKAP SIYA NA BINIRO PA NIYANG ‘SIYA NALANG DAW ANG MAGIGING DADDY NITO’.

ANG CHILD WONDER AY GUMAWA NG ISANG MALAKING  INGAY SA LOOB LAMANG NG ISANG LINGGO, MATAPOS NITONG GAMPANAN ANG BATANG KARAKTER NA GINAGAMPANAN NGAYON NI DANIEL PADILLA.

Page 6 of 133