JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGBIGAY NA NG GO SIGNAL SI HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE CHAIRMAN AT DAVAO CITY CONGRESSMAN KARLO NOGRALES PARA I-ENDORSO ANG PAGBABALIK NG BUDGET NG 3 AHENSYA NG PAMAHALAAN.

KABILANG ANG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR),  ENERGY REGULATORY COMMISSION AT ANG NATIONAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLE (NCIP) NA PAWANG PINAGKALOOBAN LAMANG NG P1,000 BUDGET.

UNA NG HUMINGI NG TULONG SINA CHR CHAIR JOSE LUIS "CHITO" GASCON, ERC COMMISSIONER GERONIMO STA. ANA AT NCIP CHAIR LEONOR ORALDE-QUINTAYO KINA HOUSE MAJORITY LEADER RODOLFO FARIÑAS AT APPROPRIATIONS CHAIRMAN KARLO NOGRALES PARA MAGSILBING TULAY KAY SPEAKER ALVAREZ.

SA ISINAGAWANG PAGPUPULONG, NANGAKO NAMAN SI GASCON NA ANG CHR AY MAGSASAGAWA NG IMBESTIGASYON SA MGA KASO NG HUMAN RIGHTS VIOLATION NA KINAKASANGKUTAN NG MGA AHENTE NG ESTADO AT MGA GRUPO NA BUMIKTIMA NG MGA PULIS, MILITAR AT SIBILYAN.

NILINAW NAMAN NI SPEAKER ALVAREZ KAY GASCON NA HINDI SILA ANG KALABAN AT HINDI RIN ANG ADMINISTRASYONG DUTERTE. SINABI PA NITO NA KAISA NG CHR ANG PAMAHALAAN PARA LABANAN ANG ANUMANG URI NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO.

PARA NAMAN SA ERC AT NCIP, NAGBIGAY NG KATIYAKAN SI  NOGRALES KINA SPEAKER ALVAREZ AT MAJORITY LEADER FARIÑAS NA GAGAMPANAN NG DALAWANG AHENSYA ANG KANILANG TUNGKULIN PARA LABANAN ANG KURAPSYON AT IPAPATUPAD ANG KANILANG MGA MANDATO.

KAUGNAY NITO'Y MAISASAMA NA ANG BUDGET NG 3 AHENSYA SA FINAL VERSION NG GENERAL APPROPRIATIONS BILL (GAB) PARA SA 3RD READING APPROVAL NG KAMARA SA PLENARYO.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANAWAGAN SI SENADOR GRACE POE SA LAHAT NG TELEVISION NETWORKS NA TUMUPAD SA BATAS NA INOOBLIGANG MAGLAGAY ANG LAHAT NG ISTASYON NG SUBTITLES PARA MABIGYAN ANG MGA BINGI AT ‘HARD OF HEARING’ NG PAGKAKATAONG MAKAPANOOD NG IMPORTANTENG MGA PROGRAMA.

GINAWA NI POE ANG PAHAYAG DAHIL HANGGANG SA NGAYON AY MARAMI PARING TV NETWORKS ANG HINDI NAGPAPATUPAD NITO.

AYON KAY POE, CHAIRPERSON NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC INFORMATION AND MASS MEDIA, PANGUNAHING AWTOR NG REPUBLIC ACT NO. 10905 O ANG CLOSED CAPTION LAW, DAPAT MAGTAKDA NG MAHIGPIT NA PATAKARAN ANG MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD (MTRCB) HINGGIL SA PAGPAPATUPAD NG NATURANG BATAS.

ANIYA NAISABATAS ANG RA 10905 NOONG HULYO NG NAKARAANG TAON AT INILABAS ANG IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS (IRR) NITO NOONG DISYEMBRE 8, 2016. NAGKABISA ANG BATAS 15 ARAW MATAPOS MAIPALABAS ANG IRR.

SINABI NI POE NA ALINSUNOD ANG BATAS SA NILAGDAANG KASUNDUAN NG PILIPINAS NA MAGBIGAY NG PANTAY NA OPORTUNIDAD SA MGA TAONG NAHIHIRAPANG DUMINIG NA NIRATIPIKA NG CONVENTION ON THE RIGHTS OF PERSONS WITH DISABILITIES NOONG 2008, NA NAGSASABING DAPAT MAY FULL ACCESSIBILITY AT PAGKILALA SA PANANALITA AT PAGKAKAKILANLANG KULTURAL ANG LAHAT NG TAONG MAY KAPANSANAN.

NANINIWALA DIN ANG SENADORA NA ANG MAKABULUHANG PAGPAPATUPAD NG BATAS AY MAKAKATULONG NA MABIGYAN ANG LAHAT NG KABABAYAN NG PANTAY NA OPORTUNIDAD AT AKTIBONG MAKIBAHAGI SA LIPUNAN.

DISMAYADO SI POE NG MATAPOS MALAMAN SA BUDGET HEARING NG MTRCB NA 10% PALANG ANG TUMUTUPAD SA BATAS.

UMAASA NAMAN SI POE NA MAGPAPADALA SI MTRCB CHAIR. RACHEL ARENAS NG MEMO SA MGA PASAWAY NA TV NETWORKS.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JERRY MANILAG

MULI NA NAMANG MAIPAPAMALAS NG PILIPINAS PARTIKULAR NG REHIYON NG MINDANAO AT PALAWAN ANG MAYAMAN NITONG KULTURA AT SINING SA KAUNA-UNAHANG BUDAYAW: ANG BIMP-EAGA FESTIVAL NG KULTURA AT SINING NA GAGANAPIN MULA SEPTEMBER 20-24, 2017 SA GENERAL SANTOS CITY.  

ANG KAUNA-UNAHANG BUDAYAW: 2017 BIMP-EAGA FESTIVAL AY ISANG PAGDIRIWANG NA MAYROONG IBA’T IBANG PARTE AT IBA’T IBANG PAKSA NG SINING AT KULTURA NG ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS (ASEAN) AT NG EAST-ASEAN GROWTH AREA NA MAYROONG APAT NA BAHAGI: BRUNEI, INDONESIA, MALAYSIA AT PILIPINAS.  

SA TEMANG, "TAKING PRIDE IN THE CREATIVE DIVERSITY OF THE BIMP-EAGA REGION", IPAPAKITA NG PAGDIRIWANG ANG PAGKAKAIBA-IBA NG REHIYON SA PAGPAPAHAYAG SA PAMAMAGITAN NG ISANG MALIKHAING PARAAN. 

INAASAHANG NASA MAHIGIT 300 NA MGA “MODERNONG MGA ARTIST AT KATUTUBONG EKSPERTO PANG-KULTURAL” MULA BRUNEI, INDONESIA, MALAYSIA AT PILIPINAS ANG MAKIKILAHOK SA NASABING FESTIVAL.  

ANG MGA MALIKHAING GAWA NG MGA KULTURAL NA GURO, ARTIST AT KULTURANG PANGKALUSUGAN NA NAGMUMULA SA APAT NA BANSA AY SABAY-SABAY NA IPAPAKITA SA IBA'T IBANG LUGAR SA MINDANAO, PILIPINAS, PARTIKULAR SA GENERAL SANTOS CITY AT SA LALAWIGAN NG SARANGANI. 

ANG BUDAYAW FESTIVAL AY GAGANAPIN TUWING DALAWANG TAON NA IIKOT SA APAT NA BAHAGI NG BANSA. INIREREKOMENDA ANG PILIPINAS NA ILUNSAD ANG PAGDIRIWANG SA TAONG 2017 TUWING IKA-50 ANIBERSARYO NG ASEAN KUNG SAAN ANG BANSA AY NANGUNGUNA RIN.  ANG BIMP-EAGA AY ITINATAG NOONG 1994 UPANG MATUGUNAN ANG PAGPAPAUNLAD NG PANLIPUNAN AT PANG-EKONOMIYA SA MGA HINDI MASYADONG MAUNLAD AT MALALAYONG TERITORYO SA SILANGANG BAHAGI NG BIMP.

KABILANG SA MGA POKUS NA LUGAR ANG SUMUSUNOD: ANG BUONG SULTANATE NG BRUNEI DARUSSALAM; ANG MGA LALAWIGAN NG KALIMANTAN, SULAWESI, MALUKU AT WEST PAPUA NG INDONESIA; ANG MGA ESTADO NG SABAH AT SARAWAK AT ANG PEDERAL NA TERITORYO NG LABUAN SA MALAYSIA; AT MINDANAO AT LALAWIGAN NG PALAWAN SA PILIPINAS. 

UPANG PALAKASIN ANG ESTRATEHIKONG POKUS NG BIMP-EAGA, APAT NA HALIGI ANG NAPAGKASUNDUAN NG MGA LIDER NG APAT NA BANSA: PAGBUTIHIN ANG KONEKSYON, PAGTATATAG NG BIMP-EAGA BILANG ISANG BASKET NG PAGKAIN PARA SA ASEAN, PAG-PROMOTE  NG BIMP-EAGA BILANG ISANG PANREHIYONG DESTINASYON SA TURISMO, AT PAGTITIYAK SA PAGPAPANATILI PAGDATING SA PANGANGASIWA NG KAPALIGIRAN. 

NOONG 2012, SA PANAHON NG IKA-10 NA BIMP-EAGA SUMMIT, IPINAHAYAG NG MGA PINUNO NA ANG MGA AKTIBIDAD SA LIPUNAN AT KULTURA AY MAAARING MAG-AMBAG SA PAGTATAG NG PUNDASYON PARA SA HIGIT NA PAG-UNAWA SA IBA'T IBANG MGA KOMUNIDAD SA LOOB NG SUB-REHIYON.

KAYA NOONG 2014, PORMAL NA IDINAGDAG ANG SOCIO-CULTURAL AND EDUCATION PILLAR (SCE) BILANG IKALIMANG HALIGI NG BIMP-EAGA COOPERATION NA NAGTATALAGA NG PILIPINAS BILANG TAGAPANGULO NG SOCIO-CULTURAL DEVELOPMENT WORKING GROUP AT MALAYSIA BILANG CHAIR FOR EDUCATION MULA SA 2015 -2016. BILANG DE FACTO DEPARTMENT OF CULTURE, ANG NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS AY KUMAKATAWAN SA PILIPINAS SA GRUPO NG NAGTATRABAHO. 

PARA SA MGA TAONG 2015-2025, ANG PILIPINAS AY NAKATUON NA IPATUPAD ANG TATLONG MGA PROYEKTO: ANG INVENTORY NG MGA ARTIST AT CULTURAL ORGANIZATION SA REHIYON, EXHIBIT OF TEXTILES MULA SA BIMP-EAGA AT ANG 2017 BUDAYAW FESTIVAL.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SECRETARY VITALIANO AGUIRRE NA HINDI MAARING TOTALLY NA IPAGBAWAL ANG FRATERNITY SA BANSA.

SA ISINAGAWANG AMBUSH INTERVIEW INAMIN NI AGUIRRE NA MAY MALALABAG SA BATAS KAPAG IPINILIT ANG PAGBUWAG SA MGA FRATERNITY SA BANSA.

GINAWA NI AGUIRRE ANG PAHAYAG BUNSOD NA RIN NG PAGKAMATAY NG FRESHMAN UST LAW STUDENT NA SI HORACIO CASTILLO III NA UMANOY NAMATAY MATAPOS SUMAILALIM SA HAZING NG AEGIS JURIS FRATERNITY.

AYON KAY AGUIRRE, MAGKAKAROON NG PAGLABAG SA KARAPATAN NG INDIBIDWAL NA NAKAPALOOB SA SALIGANG BATAS KAUGNAY SA PAGBUO O PAGSALI SA ISANG LEGAL NA ASOSASYON.

ANIYA DAPAT NA PAGTIMBANGTIBANGIN ANG RIGHT TO FORM ASSOCIATION SAKA ANG PAGPIGIL SA VIOLENCE AGAINST STUDENTS.

KASABAY NITO SINABI NAMAN NI AGUIRRE NA INATASAN NA NITO ANG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) NA MAG-IMBESTIGA AT MAGKAROON NG PARALLEL INVESTIGATION SA NATURANG HAZING VICTIM.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

WALA PANG NATATANGGAP NA FORMAL REQUEST ANG METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY O MMDA HINGGIL SA HILING NI REP. RODOLFO FARIÑAS NA PARLIAMENTARY IMMUNITY SA MGA MAMBABATAS NA MASASANGKOT SA MINOR TRAFFIC VIOLATION.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI MMDA SPOKESPERSON CELINE PIALAGO NA HINIHINTAY PA NILA ANG REQUEST NA ITO MULA SA LIDERATO NG KAMARA.

NAIS DIN ANIYANG MAKITA MUNA NG MMDA ANG NILALAMAN NG PORMAL NA REQUEST UPANG MAPAG-ARALAN NILA ITO.

AMINADO NAMAN SI PIALAGO NA HINDI PA MALINAW ANG PARTIKULAR NA HILING NI FARIÑAS DAHIL MGA KONGRESISTA LAMANG ANG NAIS NITONG MABIGYAN NG IMMUNITY.

NAUNA RITO, SINABI NAMAN NI MMDA ASSISTANT GENERAL MANAGER JOJO GARCIA NA KAPAG NATANGGAP NA NILA ANG KOPYA NG REQUEST NG KAMARA AY IPE-PRESENTA NILA ITO SA METRO MANILA COUNCIL UPANG MAPAGDESISYUNAN ITO.

Page 1 of 1345