JoomlaLock.com All4Share.net
Wednesday, 23 August 2017 15:51

LOVI AT VHONG, KUWELA ANG TAMBALAN

BY RODEL FERNANDO

PALABAS NA NGAYON SA MGA SINEHAN NATIONWIDE ANG PELIKULANG "JUST WOKE UP LIKE THIS" NG REGAL ENTERTAINMENT NA PINAGBIBIDAHAN NINA LOVI POE AT VHONG NAVARRO. BASE SA MGA NAKAPANOOD NA NG PELIKULA SA PREMIERE NIGHT NITO KAMAKAILAN AY TALAGA NAMANG NAKAKAALIW ITO AT KUWELANG-KUWELA ANG UNANG TAMBALAN SA BIG SCREEN NINA LOVI AT VHONG.

NAPAKAHUSAY RAW NG DALAWA AT NAPATUNAYAN NILA NA KAHIT ANONG PAPEL AY KAYA NILANG GAMPANAN. PURING-PURI NGA SILA NI MOTHER LILY AT NI ROSELLE MONTEVERDE SA KANILANG GALING SA PAG-ARTE NA ANG MGA PAPEL NILA SA PELIKULA AY NAGKAPALIT NG KATAUHAN NA NAGING LALAKI SI LOVI AT NAGING BABAE SI VHONG..

MARAMI ANG NAGULAT KAY  LOVI DAHIL KAYA RIN PALA NIYANG MAGPATAWA. KILALA SIYA BILANG DRAMATIC STAR PERO SA PELIKULA AY NAKITAAN SIYA NG GALING SA KOMEDYA.

ANG "WOKE UP LIKE THIS" AY ISA SA MGA PELIKULANG HINDI DAPAT PALAMPASIN NA NGAYON AY KASALUKUYANG PINIPILAHAN SA MGA SINEHAN SA  BUONG PILIPINAS. ITO AY SA DIREKSIYON NI JOEL FERRER. SIGURADONG SULIT ANG IBABAYAD NINYO KAPAG ITO AY INYONG PINANOOD.

Published in Entertainment
Monday, 31 October 2016 15:48

LOVI AT DEREK, MATINDI ANG LAMPUNGAN

by Rodel Fernando

Ngayong Miyerkules, November 2 ay ipapalabas na ang pelikulang "The Escort" ni Lovi Poe kung saan sa unang pagkakataon ay katambal niya si Derek Ramsay.

Matindi at maalab ang lampungan ng dalawa sa pinakabagong pelikula ng Regal Films. Ito ang pinaka-daring na pelikulang nagawa ni Lovi kung saan ay lumantad ang kahubdan niya sa pakikipagromansahan kay Derek.

Bilang artista, kinailangang gawin ng dalaga ang mga maseselang eksena niya hindi lamang kay Derek pati na rin sa beteranong aktor na si Cristopher de Leon. Katwiran niya, maganda ang project at alam naman niyang di sya mabababoy ng direktor.

Sa mga nag-abang at nanabik sa mga sex drama film ay ito na ang sagot para sa isang magandang pelikula na nagpapainit at nanggigising sa mga natutulog na damdamin.

Ang The Escort ay sa direksiyon ni Enzo William. Bukod kina Lovi, Derek at Boyet, tampok din sa pelikula ang magaling na aktres na si Jean Garcia.

Published in Entertainment
Tuesday, 18 October 2016 12:56

DEREK RAMSAY, BALIK SA PAGPAPA-SEXY

By: Rodel Fernando

Siguradong matutuwa ang mga kababaihan at mga kabadingan sa muling pagpapa-sexy ni Derek Ramsay. Sa pinakahuling pelikula niya sa Regal Films na "The Escort", muling masisilayan ang kahubdan at katawan ng hunk actor.

Ang "The Escort" ang unang tambalan nila ni Lovi Poe na sa kuwento ng aktor ay matindi at nag-aalab ang lampungan nila ng dalaga sa pelikula. Goodbye muna siya sa romcom movie na madalas niyang ginagawa lately.

Si Derek ay pantasya ng maraming babae at mga bading. Siguradong maiibsan ang pagnanasa sa kaniya oras na mapanood ang pelikula nila ni Lovi. Sa mga nanabik sa kaniya sa mga ganitong klase ng pelikula ito na ang sagot.

Ang pelikula ay ipapalabas sa November 2 sa mga sinehan. Bukod kina Lovi, kasama rin sa pelikula sina Cristopher de Leon at Jean Garcia na may naglalagablab ding eksena kay Derek.

Published in Entertainment

By: Rodel Fernando

First time magsasama sa isang teleserye na "Someone to Watch Over Me" ang Primera aktresa na si Lovi Poe at Tom Rodriguez. Susubukan ng Kapuso Network ang dalawang sikat na personalidad para sa isang madamdamin at kaabang-abang na love story sa telebisyon na idinirehe ng batikang direktor na si Maryo J. Delos Reyes.

Parehong excited ang dalawang bida ng naturang teleserye na sina Lovi at Tom kaya naman pinaghahandaan nilang pareho ang kanilang mga papel na ginagampanan.

Iikot ang istorya ng palabas sa kanilang pagmamahalan bilang magkasintahan hanggang sa sila ay magpakasal at bumuo ng pamilya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay magkakaroon ng Alzheimer's disease si Tom at dito magsisimula ang kalbaryo ni Lovi.

Dahil sa sakit na pagkalimot sa lahat ng asawa, masusubukan ang kaniyang tatag, sakripisyo at pang-unawa sa kaniyang kabilang na dito ang pakikipagrelasyon ni Tom sa ibang babae na gagampanan ni Max Collins.

Siguradong kaabang-abang ang bawat gabi sa pinakabagong programa na ito ng Kapuso Network na mapapanood na sa Lunes, September 5 sa GMA Telebabad.

Published in Entertainment