JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
“SANG’GRE” NG ENCANTADIA GINAYA NGA BA NG DOS!?

BY: JETT DIAZ | 8TRIMEDIA

USAP-USAPAN NGAYON SA SOCIAL MEDIA ANG PAG POST SA INSTAGRAM ACCOUNT NG DIRECTOR NA SI MARK REYES NA LARAWAN NG SIKAT NA FANTASERYENG “ENCANTADIA”.

AYON SA POST NA MAY CAPTION NA: “EXCUSE US?”, “SANG’GRE SINCE 2006 WAG NGA KAYO!” AT MAY HASHTAGS NA “#wewerefirstduh”, “#encantadia” at “#encantadialegacy”.

ANG POST AY DI UMANO’Y PATAMA SA BAGONG PALABAS NG DOS SA PRIMETIME BIDA NA “LA LUNA SANGRE” NA NGAYON AY GUMAGAWA NA RIN NG INGAY SA SOCIAL MEDIA.

UMANI NG SAMU’T-SARING REAKSYON ANG NASABING POST NA HUMANTONG PA SA PALITAN NG MGA MA-AANGHANG NA KOMENTO MULA SA MGA FANS NG PAREHONG PALABAS.

AYON SA ISANG NETIZEN, HINDI DAW DAPAT GINAMIT NG DOS ANG SALITANG “SANGRE” SAPAGKAT ITO’Y NAKILALANG TERMINO MULA SA NASABING FANTASERYE.

AGAD NAMAN ITONG SINAGOT NG ISANG FAN MULA SA KABILANG ISTASYON NA, ANG IBIG SABIHN DAW NG “LA LUNA SANGRE”  AY “MOON BLOOD” AT ANG “SANG’GRE” NG SIETE AY TUMUTUKOY SA DIWATANG MAY “DUGONG BUGHAW O ROYAL BLOOD”

HINDI NA ULIT NAG POST ANG DIRECTOR AT NATIGIL NA DIN ANG BANGAYAN NG MGA FANS NG DALAWANG SIKAT NA FANTASERYE.

KASALUKUYANG NAPAPANOOD ANG “LA LUNA SANGRE” SA ABS-CBN PRIMETIME BIDA HABANG INAABANGAN NAMAN NG MGA FANS ANG IKALAWANG YUGTO NG  “ENCANTADIA”.

Read 1067 times Last modified on Thursday, 22 June 2017 19:27
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.