JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
JEMINA SY, GUSTONG MAKATRABAHO SI COCO MARTIN

By: Mildred Bacud

KUNG mabibigyan naman daw ng pagkakataon, gusto raw makatrabaho ni Jemina Sy si Coco Martin.

"Pwede pa naman siguro kasi di naman kami nagkakalayo ng edad. Mahusay siyang actor at gusto ko ma-experience to work with the Primetime King."

Hanga daw si Jemina sa dedikasyon ng aktor bilang artista. Kung paano ito nagsimula hanggang sa maging isa sa pinakasikat na artista ngayon.

Bata pa ay mahilig na raw umarte si Jemina. Lantad na siya no'n pa sa showbiz dahil ang kanilang bahay sa Bulacan ay madalas lokasyon sa shooting ng mga pelikula no'ng dekada 80's.

"Sinabi ko na sa father ko no'n na gusto kong umarte, mag-artista pero parang wala siyang naririnig.Ayaw niya 'kong payagan."

Para hindi sila mag-away sinunod na lamang daw niya ang kagustuhan ng ama at pinagpatuloy ang pagkuha ng abogasya. Natapos naman niya ito at Lawyer na sya by profession.

"Ngayon it's about time naman na gawin ko naman yung gusto kong gawin, ang umarte. I'm 36, may edad na but not too late I guess. Bakit naman si Richard Yap late na rin nung pumasok sa showbiz."

Bagaman lumabas na sa iba't-ibang programa sa telebisyon introducing si Jemina sa pelikulang Bubog. Isa rin siya sa mga producers nito. Challenging daw ang role niya rito kung saan ginagampanan niya ang papel bilang si Liezel na tulak ng droga. Written, and directed by veteran journalist and filmmaker Arlyn Dela Cruz.
Kung paano napasama si Jemina sa nasabing pelikula kwento niya, "I feel I owe it to myself and try, what it really likes to be there, part of a scene, part of a story and so I auditioned and argued my way to be part of the film."

Kasama rin sa nasabing pelikula ni Jemina sina Ms. Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Carl Medina, Janice Jurado at iba pa.

Read 1451 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.