JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TIMOTHY TAN AT CLARISMA SISON LANTARAN NANG NAKIKITANG MAGKASAMA SA MGA PUBLIC PLACES

By: Rodel Fernando

Tila wala na yatang takot ihayag sa publiko ng mister ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan at ng nobya nitong si Clarisma Soriano-Sison ang kanilang relasyon.

Marami nang nakakakita sa kanila na magkasama kamakailan lamang sa isang grocery na namimili.

May isa pang nakarinig diumano sa pagtawag ni Claris (nickname ni Clarisma) ng Daddy kay Tim na kinataas ng kilay ng nakarinig at nagsabi sa kaniyang kasama na... "Daddy? Bakit? S'ya ba ang legal na asawa? Ang kakapal ng mukha at hindi na nahiya sa pinag-gagagawa nila na akala mo mga single at mga walang asawa kung umasta," nasambit ng nakakita sa kanila.

Ang mga impormasyon na nakukuha ng inyong lingkod ay base din sa mga mismong tao na nakakakita sa kanila dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng kahit sinong sumusubaybay kay Sunshine ang nangyari sa kanya at sa kanyang mister na si Tim at hindi na din lingid sa kaalaman ng nakakarami ang babaeng dahilan ng kanilang hiwalayan pati ang kanilang mga pictures ay makikita din sa instagram account ng aktres.

Sa pagbuhos ng simpatiya sa aktres ay asahan din sana nina Tim at Claris ang pagbuhos ng mga taong kilala man o hindi ni Sunshine ay tutulong sa kanya para lumabas ang katotohanan at kahit siguro saan pa sila magpunta ay may mga matang laging magmamasid sa bawat kilos at galaw nila. At 'yan na nga ang nangyayari.

Simula ng naibunyag natin ang tunay na pagkatao ni Clarisma ay dumagsa na din ang iba pang mga impormasyon na sana ay makatulong sa pinaglalaban ngayon ng aktres.

Kabilang na dito ang mga diumano'y mga nakakita kay Tim at Claris sa Hongkong noong February 10, 2016. May nagbigay din ng impormasyon na magkatabi pa silang dalawa sa eroplano noong February 11, 2016 pauwi sa Pilipinas mula sa Hongkong.

May nakakita din sa kanila sa Amerika na magkasama noong buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.

Isa pang Boracay incident bukod sa naunang may nakakita sa kanila noong January 2, 2016 ng umaga na magkasama ay meron ding nagsabi sa atin na nakita din nilang magkasama ang dalawa at kasabay pa nila sa mismong flight si Tim at Claris noong March 11 to March 14, 2016.

Nung nakita daw nila si Tim sa eroplano ay akala nila ay si Sunshine ang kasama pero pagtingin daw nila sa babae ay iba ang kasama nito. Akala daw nila ay hindi na nila makakasabay sa pag-uwi ang dalawa pero tiyempo naman daw na parehong pareho ang flight at oras ng kanilang pauwi Manila from Kalibo at muli nilang naispatan na magkatabi ulit sa upuan.

Nabanggit pa ng ating source na papunta sa Kalibu ay nasa unahang-unahan ng eroplano ang kanilang mga upuan at magkatabi at ganundin daw ang seat numbers ng dalawa noong pauwi. Kapansin-pansin daw kasi si Tim dahil matangkad at artistahin ang itsura kaya mahirap na hindi ito makilala.

Bumabagsak na lang na parang milagro ang lahat ng impormasyon sa atin na sana ay makuhanan ng manifesto ni Sunshine o ng korte sa Bureau of Immigration.

At habang sinusulat ko itong artikulo na ito ay may pumasok lang sa ating impormasyon tungkol sa diumano'y pag-biyahe muli ni Claris at Tim sa Taipei pero tila ata natuto na ang dalawa dahil sabi ng ating informant ay magkaiba ng airline companies ang sinakyan ng dalawa pero pareho ang date ng alis at ng uwi. Ito daw ay nangyari noong July 3, 2016 hanggang July 10, 2016.

Sana maberipika ni Sunshine ang lahat ng mga impormasyong ito sa Immigration at makatulong nawa sa hustisyang dapat makamit mo at ng mga anak mo. Sa mga nagbibigay sa atin ng impormasyon, tayo ay nagpapasalamat sa inyong tiwala at mananatiling confidential ang inyong mga pagkatao.

 

Read 110718 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.