JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
CLARISMA SISON ANG UMANO'Y THIRD PARTY SA MAG-ASAWANG SUNSHINE DIZON AT MISTER NITO, UMAPELA

Umapela si Clarisma Soriano-Sison na umano'y tinutukoy na third party sa relasyon ng actress na si Sunshine Dizon at mister nitong si Timothy Tan. Aniya, huwag muna siyang husgahan lalo na at hindi naman daw alam ng publiko ang tunay na pangyayari.

Sa isang Facebook post naglabas ng pahayag si Clarisma, sinabi nito na hindi raw dapat paniwalaan ang lahat ng nababasa sa internet lalo na at wala umano siyang laban sa artistang kumakalaban sa kanya.

Sa huli ay sinabi nitong wala siyang pakialam at nanindigang wala raw siyang ginawang masama.

Nabatid na humihirit ngayon si Tan ng annulment matapos kumpirmahin ang paghihiwalay nila ni Sunshine.

Ngunit sinabi ng aktres na hindi niya ito pagbibigyan dahil kailangan daw ni Timothy na pagbayaran ang kanyang pagtataksil.

Sinabi ni Sunshine kay Tan na magkita na lang daw sila kasama ang kalaguyo nito na umano'y si Clarisma sa korte.

Read 3124 times Last modified on Wednesday, 22 June 2016 09:47
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.