JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
THE FABULOUS GIRLFRIENDS, MGA DIYOSA NG KAGANDAHAN

Puwede nang ipagmalaki ang grupo ng pamosong manager na si Jojo Veloso, ang The FABULOUS GIRLFRIENDS dahil unti unti nang gumagawa ng pangalan at pwede nang makipagsabayansa mga grupong naglipana sa telebisyon.

Bukod sa galing nilang sumayaw at kumanta ang pinaka malaking plus factor nila ay kanilang ganda. Lahat sila ay talagang magaganda at malakas ang sex appeal.

Sila na nga ang mga makabagong Diyosa na bagong pagpapantasyahan at iidolohin. Ang maganda pa sa mga miyembro ng naturang girl group ay hindi kung saan-saan lang sila pinulot at nadiskubre.

May pinag-aralan kasi ang mga dalagang ito at kaya nilang humarap sa lahat ng uri ng tao. Ang grupong ito ang siguradong bagong kababaliwan ng mga kalalakihan.

Ang The Fabulous Girlfriends ay kinabibilangan nina Asiah Atienza, Angeli Revilla, Ayra Medina, AJ Raval, at Allyanna Santiago. Sila ay nakakontrata sa Viva Entertainment at inaasahan ang kanilang pag-apir sa mga shows ng TV 5.

Tunay nga namang may mata pagdating sa paghahanap at pagdiskubre ng talento si Jojo Veloso. At itong all female group ay tiyak na magbibigay na naman ng katanyagan at kayamanan sa kaniyang kuwadra.

Read 3598 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.