JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
"THE STORY OF LOVE", MAKABULUHANG PELIKULA

By Rodel Fernando

Isa kami sa mga naimbitahan sa premiere night ng pelikulang "The Story of Love" at nakatutuwa namang marami ang nanood sa malaking sinehan ng SM Megamall na pinaglabasan nito.

Pinagbibidahan nina Ma. Isabel Lopez, Kylene Alcantara, Aj Ocampo, Princess Flores at Dianne Medina ang indie film na ito kung saan pinirodyus ito ng ABJ Productions at sa direksiyon naman ni GM Aposaga.

Kuwento ito ng mga taong nasa kilusan o tinatawag ding makakaliwa na kung ituring ng iba ay salot sa lipunan pero dapat intindihin at bigyan ng pansin.

Gaya sa kuwento ng pelikula, sila ay binibigyan ng pag-asa at pangarap na maging normal ang pamumuhay na puedeng matuto at magkaroon ng edukasyon. Ipinakita sa pelikula na sila ay kabilang din sa ating lipunang ginagalawan na anuman ang pinaglalaban ay may mga puso rin silang nagmamahalan at nagmamalasakitan.

Madrama ang kuwento ng "The Story of Love" dahil sumesentro rin ito sa pamilya at pakikipagkaibigan.

Buong ningning na naitawid ng pelikula ang isang ugali ng Pilipino na mapagmahal sa pamilya na nagdadamayan sa oras ng pangangailangan at kagipitan.

Maraming nakakaiyak na eksena sa movie at napagtagumpayan ng direktor na paiyakin ang mga manonood sa premiere night nito. Mahuhusay ang mga gumanap sa pelikula lalung-lalo na sina Aj Ocampo at Kylene Alcantara.

Ipapalabas ito ngayong June 22. Kasama rin sa pelikula sina Francis Magundayao, Katrina Paula, Joshua Nubla, Ynez Veneracion, Via Veloso at marami pang iba.

Read 3047 times Last modified on Monday, 20 June 2016 15:20
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.