JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LLOYD UMALI, MAY BAGONG SINGLE

 

By Rodel Fernando

  After 22 years ay balik recording ang tinaguriang Michael Bolton ng Pilipinas at nag-iisang The Soul Man ng music industry na si Lloyd Umali. Sa pamamagitan ng awiting "Bakit Ka Pa Bumalik?, muling maririnig ang magandang tinig ng batikang singer na minsan na ring  minahal at kinabaliwan. Ang naturang kanta ay sumasalamin sa dalawang pusong nagmamahalan na nagkahiwalay na talaga namang tatamaan at kukurutin ang  mga puso ng mga makakarinig nito. Hugot kung hugot ika nga.

  Ang bagong single na ito ni Lloyd ay prodyus ng Eight Trimedia Pro, Inc. at ang composer nito ay si Jerwin Nicomedez. Sa kuwento ng sumulat ng kanta ay marami raw makaka-relate dito lalo na ang mga taong minsan nang nasaktan, umibig at nagmahal ng lubos. Going back to Lloyd, bakas sa mukha ang kaligayahan nang ilunsad kamakailan ang kanyang single sa Packo's Grill, Quezon City. Sobra siyang nagpapasalamat sa mga taong naging responsable sa kanyang pagbabalik recording. Special mention niya ang kaniyang matalik na kaibigan na si Kaye Dacer.                                                       

  Bukod pala sa kantang "Bakit Ka Pa Bumalik?, inilunsad din ang awiting "Muli" na duet naman nina Lloyd at Ima Castro. Ito ang masasabing follow-up sa matagumpay nilang "Nanliligaw, Naliligaw". Siyempre pa, hindi patatalbog ang bagong awitin nila sa huli nilang pinagsamahan. Samantala,  magkakaroon ng "Sing A Like Mr. Soul Man  Lloyd Umali" contest. Para sa detalye tungkol dito, subaybayan sina Lloyd Umali at Ms. Saigon, Ima Castro sa kanilang programa sa radyo na "Musika Noon at Ngayon" from Monday to Friday on Radio at DZRJ 810 AM and Cable Link 8 TRI-TV  Channel 7, 1pm to 2pm at sa  live streaming at 8trimedia.com just go to Broadcast Live worldwide.  Ang iba pang mechanics ng contest na "Sing A Like Mr. Soul Man  Lloyd Umali" will be posted soon at 8trimedia.com and 8 TriMedia Broadcasting Network FB Fan Page.

 

Read 2966 times Last modified on Tuesday, 14 June 2016 12:07
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.