JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Nangako si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na babaguhin na niya ang kanyang imahe bilang nangunguna sa pala-absent na mga kongresista ngayong nalalapit na siyang iproklamang senador.

Sa isang panayam inihayag ni Pacman na hindi na mauulit ang mga ginawa niyang pagliban sa mga sesyon sa kamara at nais na niyang burahin ang kanyang record na isa sa mga pinakamaraming absent na mambabatas.

Ipinaliwanag naman nito na kahit madalas siyang lumiban sa mga sesyon sa Kamara ay nag-focus naman ito sa pagtulong sa mga taga-Sarangani gaya ng kanyang proyektong pabahay.

Samantala, bagamat retirado na sa boxing, plano ngayon ni Pacquiao na bumalik sa boksing para i-represent ang bansa sa 2016 Olympics na gaganapin sa Rio de Janeiro sa Brazil.

Naging usap-usapan kasi ang mga kumalat na balitang papayagan ng Olympic body na makapaglaro sa Rio ang mga professional boxer.

Giit niya, hindi ito makakaapekto sa trabaho niya bilang senador dahil maiksi lamang ang gagawing preparasyon at tatlong rounds lang naman ang boxing sa Olympics.

Gagawin ito ng boksingero para makapaghatid ng karangalan sa bansa.

Target ni Pacman na masungkit ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa Olympic games.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Tinawagan ni U.S President Barack Obama si incoming President Rodrigo Duterte at binati sa kanyang pagkapanalo sa karera sa pagkapangulo.

Bagamat hindi pa nagsisimula ang official canvassing ng Kongreso, si Duterte ang nangunguna sa partial and unofficial count.

Mahigit 6 milyong boto ang kanyang lamang sa pumapangalawa na si Mar Roxas.

Hinihintay pa ngayon ang pagbisita ni U.S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg kay Duterte.

Ilang ambassador na rin ang dumayo sa Davao City para batiin ang incoming president.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) si Sen. Bongbong Marcos na idulog na sa Kongreso ang kanyang protesta laban sa umano'y kahinahinalang bilangan sa vice presidential race.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista sa halip na sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), ang Kongreso ang tamang venue para sa paghahain ng kahalintulad na reklamo.

Sinabi ng opisyal na kung may hawak na katibayan si MArcos ay mas mainam na agad niyang idulog ito bago mag-umpisa ang Kongreso sa gagawing canvassing ng mga boto.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magpapatuloy pa rin sa susunod na administrasyon ang pagpapatupad ng K to 12 na programa ng gobyerno.

Ayon kay DepEd Asec. Jesus Mateo, malinaw daw sa eight-point agenda ni presumptive President Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kailangang isulong at mapaganda pa ang basic education system ng bansa.

Bagamat may mga naghain daw ng temporary restraining order (TRO) sa pagpapatupad ng K to 12 ay ibinasura naman ito ng Supreme Court (SC).

Napagalaman na sa mga isinagawang presidential debate bago ang halalan noong May 9 ay mariing tinututulan at hindi bilib si Duterte sa implementasyon ng programa.

Naniniwala din siyang dapat ay optional lamang ang pagpapatupad ng senior high school.

Subalit binawi ito ng Davao City mayor at sinabing bukas siyang pag-aralan ang programa ng DepEd.

Posible raw itong maglabas ng statement sa katapusan ng buwan dahil kailangan pa niyang makipagpulong sa bago at susunod na education secretary.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Inihayag ni Rez Cortez sa isang presscon na mali ang paniwalang maaapektuhan at baka tuluyang mamatay ang TV and movie industry kapag ipinatupad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 8-12 working hours.

Mas makatutulong daw ito sa mga artistang gumagawa ng pelikula at mga nasa TV.

Kahapon ay may consultation sa pagitan ng DOLE at mga taga-entertainment industry.

Dagdag pa ni Cortez, bago ma-implement ang kautusang ito, kailangang i-publish sa newspapers within 15 days after mapirmahan ng DOLE ang kautusan.

Partners daw nila ang lahat ng networks at mga producer at hindi nila in-antagonize ang mga ito.

Paliwanag pa ni Cortez, since two weeks ago, pumupunta ang DOLE sa taping at shooting to check sa working condition ng mga taga-entertainment industry. Biglaan daw ang ginagawang pagbisita ng DOLE.

Broadcast Streaming

Top