JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NAGBITIW NA SA PWESTO SI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION O DOTR UNDERSECRETARY CESAR CHAVEZ DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA ABERYA SA METRO RAIL TRANSIT 3 O MRT-3.

SA KANYANG RESIGNATION LETTER, SINABI NI CHAVEZ NA NAGDESISYON SIYA NA MAGBITIW SA PWESTO EFFECTIVE IMMEDIATELY UPANG BIGYAN NG MALAYANG KAMAY SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA MAGTALAGA NG KANYANG MAGIGING KAPALIT PARA MAKATULONG SA DOTR.

PINASALAMATAN NI CHAVEZ SI PANGULONG DUTERTE SA TIWALANG IBINIGAY SA KANYA AT NANINIWALA SIYA NA WALANG DAPAT NA EXCUSES SA KAPAG PUMALPAK SA TUNGKULIN SA GOBYERNO AT SERBISYO SA BAYAN.

NAUNA RITO, NANINDIGAN SI CHAVEZ NA GUMANDA ANG SERBISYO NG MRT-3 SA ILALIM NG ADMINISTRASYON NI PANGULONG DUTERTE MULA NANG MAG-TAKE OVER SILA SA PWESTO.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

TIWALA ANG KAMPO NI CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO NA LALABAS SA MGA SUSUNOD NA IMPEACHMENT PROCEEDINGS SA KAMARA ANG WALANG BASEHAN ANG REKLAMONG INIHAIN NI ATTY. LARRY GADON.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI ATTY. JOSA DEINLA, TAGAPAGSALITA NI SERENO, NA MATAPOS PABULAANAN NI ASSOCIATE JUSTICE TERESITA DE CASTRO ANG PAHAYAG NI GADON NA SIYANG SOURCE UMANO NG IMPORMASYON NG MANILA TIMES REPORTER NA SI JOMAR CANLAS TUNGKOL SA ISANG TEMPORARY RESTRAINING ORDER O TRO NA INILABAS DAW NI SERENO.

MATATANDAANG KAHAPON, SA PAGDINIG NG HOUSE JUSTICE COMMITTEE AY KINUMPIRMA DAW NI DE CASTRO KAY CANLAS NA SINALUNGAT NITO ANG TRO NA INILABAS NI SERENO NOONG MAYO 2013.

GAYUNMAN WALA NAMANG NAIPAKITANG DOKUMENTO SI GADON HINGGI SA SINASABING DRAFT NA SINALUNGAT NI SERENO KAYA MALINAW NA HEARSAY LAMANG ANG MGA BASEHAN NG IMPEACHMENT COMPLAINT NI GADON.

NANINIWALA NGAYON ANG KAMPO NI SERENO NA WALANG MAPAPATUNAYAN ANG MGA IHAHARAP NA TESTIGO NI GADON AT  HINDI NA DAPAT UMABOT PA SA SENADO.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

BINATIKOS NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV ANG PAG-ABSWELTO SA KASO NA ISINAMPA KAY DATING BOC COMM. NICANOR FAELDON KAUGNAY SA NAKAPUSLIT NA 6.4 BILYON PISONG HALAGA NG SHABU SA ADUANA.

HIMUTOK NI TRILLANES, KAPAG MGA MAHIHIRAP PATAY AGAD, PERO KAPAG ALAGAD NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE, NAAABSWELTO SA KASO TULAD RIN NG NANGYARI KAY SUPT MARVIN MARCOS NA SANGKOT SA PAGKAMATAY NG UMANOY DRUG LORD NA SI ALBUERA, LEYTE MAYOR ROLAND ESPINOSA.

PATUTSADA PA NG SENADOR, KUNG HINDI SINA FAELDON ANG MAY PAKANA NG PAGPUSLIT NG KALAHATING TONELADA NG SHABU BAKA UMANO GUSTONG ITURO NI PANGULONG DUTERTE AT KAMPO NI FAELDON YUNG SIKYU NG BOC ANG RESPONSABLE DITO

KAHAPON, IBINASURA NG DOJ ANG ISINAMPANG KASO NG PDEA KAUGNAY SA NABANGGIT NA SHABU SHIPMENT GALING CHINA DAHIL SA KABIGUAN UMANO NG PDEA NA MAGPRESENTA NG DAGDAG NA EBIDENSYA LABAN KINA FAELDON AT KAWALAN NG PROBABLE CAUSE PARA IPAGPATULOY ANG KASO.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

POSITIBO PA RIN SI PRESIDENTIAL ADVISER ON THE PEACE PROCESS SECRETARY JESUS DUREZA NA HINDI PA TULUYANG MAGSASARA ANG USAPANG PANGKAPAYAPAAN SA BANSA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DUREZA NA SA KABILA NG PAGLALABAS NILA NG DOKUMENTO HINGGIL SA PORMAL NA PAGKAKANSELA NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN SA PAGITAN NG PAMAHALAAN AT NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILPINAS, AY UMAASA SILA NA PANSAMANTALA LAMANG ITO.

BAGAMAT NANGHIHINAYANG ANIYA SILA SA DESISYONG ITO NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE, AY MAY IBA PA NAMANG PARAAN PARA MAKIPAG-USAP SA CPP-NPA-NDF HINGGIL SA PEACE TALKS.

SA NGAYON, INATASAN NA NG PANGULO SI GOVERNMENT PEACE PANEL CHAIRMAN SEC. SILVESTRE BELLO NA IPARATING SA MGA REBELDENG KOMUNISTA NA HINDI NA MATUTULOY ANG MGA NAKATAKDANG PAGPUPULONG HINGGIL SA PEACE TALKS.

NAUNA RITO,IGINIIT NI DUREZA NA NAPILITANG TULDUKAN NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG PEACE TALKS DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA PAG-ATAKE AT PAGPATAY NG MGA REBELDE NA ANITO’Y MALINAW NA ISANG URI NG PAGSUWAY SA HAKBANG NG PAGKAKASUNDO.

 

Thursday, 23 November 2017 10:51

POE HINANGAAN AT NIRERESPETO SI USEC. CHAVEZ

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NIRERESPETO NI SENADORA GRACE POE CHAIR NG PUBLIC SERVICE COMMITTEE ANG NAGBITIW KANINA SA PWESTO NASI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY FOR RAILS USEC. CESAR CHAVEZ.

ANIYA NI POE NIRERESPETO NITO ANG PAGBIBITIW NI CHAVEZ DAHIL SA SUNOD SUNOD NA NAGING PROBLEMA NG METRO RAIL TRANSIT ( MRT) LINE 3 KUNG SAAN ISANG BABAE ANG NAPUTULAN NG BRASO AT PAGHIHIWALAY NAMAN NG DALAWANG BAGON BUKOD PA SA ARAW ARAW NA ABERYA NITO.

SINABI NI POE NA HINAHANGAAN NITO SI CHAVEZ SA KANYANG SENSE OF DELICADEZA KASABAY NG PANGHIHINAYANG SA GINAWANG PAGBIBITIW NG KALIHIM.

ANIYA NG SENADORA NAKIKITA NITO NASI CHAVEZ ANG ISA SA MGA OPISYAL NG DOTR NA NAKIKITA ANG PROBLEMA NG MRT AT DEDICATED AA KANYANG TRABAHO BILANG USEC FOR RAILS.

SA KABILA NITO UMAASA PARIN SI POE NA MARERESOLBAHAN NG KASALUKUYANG PAMUNUAN NG DOTR ANG PROBLEMA SA MRT 3.

KASABAY NITO UMAASA NAMAN SI POE KAY PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA MAKAKAKUHA NG MAAYOS NA KAPALIT NA MAIPAGPAPATULOY ANG NAIWANG TRABAHO NI CHAVEZ BILANG USEC FOR RAILS NG DOTR NA MASIGURO ANG KALIGTASAN NG MGA MANANAKAY NG MRT.

 

Page 2 of 1404

Broadcast Streaming

Top