JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

SUPORTADO NI SENADOR BAM AQUINO ANG GINAWANG PAGKANSELA NG PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA USAPING PANGKAPAYAPAAN SA COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES, NEW PEOPLES ARMY AT NATIONAL DEMOCRATIC FRONT (CPP- NPA- NDF).

IGINIIT NI BAM NA MATAGAL NA NITONG SINASABI NA MAHIRAP NA HABANG NAKIKIPAG-USAP ANG GOBYERNO PARA SA KAPAYAPAAN AY PATULOY NAMAN ANG GINAGAWANG PAG-ATAKE NG NPA SA MGA PULIS AT SUNDALO KUNG SAAN KAMAKAILAN ISANG APAT (4) NA BUWANG SANGGOL ANG NADAMAY SA PANANAMBANG NG REBELDENG GRUPO NA ITINUTURING NG PANGULO NA TERORISTANG GRUPO.

PALIWANAG NI AQUINO NA LAHAT AY NAIS NG KAPAYAPAAN SUBALIT DAPAT NA ISAGAWA ANG PEACE TALKS NG WALANG NAGAGANAP NA PANANAMBANG SA HANAY NG NPA.

NAGPASALAMAT SI AQUINO NA TILA PINAKINGGAN NG PANGULO ANG KANYANG MATAGAL NG PANAWAGAN NA ITIGIL ANG PEACE TALKS KUNG NAGAGANAP PA RIN ANG KARAHASAN O PANANAMBANG SA HANAY NG NPA.

SA NGAYON ANIYA NG SENADOR TAMA LAMANG NA ITIGIL ANG USAPING PANGKAPAYAPAAN AT IBALIK NA LAMANG ITO KAPAG SERYOSO NA ANG REBELDENG GRUPO SA TIGIL PUTUKAN.

DAGDAG PA NI AQUINO HINDI MAGKAKAROON NG MAAYOS NA PEACE TALKS KUNG MAGPAPATULOY ANG PANANAMBANG NA GINAGAWA NG NPA AT MAY MGA INOSENTENG SIBILYAN ANG NADADAMAY.

 

Thursday, 23 November 2017 08:20

BLOGGER NA SI RJ NIETO KINASUHAN NI TRILLANES

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

KINASUHAN NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV NG LIBEL ANG BLOGGER NA SI REY JOSEPH NIETO NG THINKING PINOY SA PASAY PROSECUTORS OFFICE.

GINAWA NI TRILLANES ANG HAKBANG DAHIL SA MAPANIRANG POSTS NI NIETO SA KANYANG FACEBOOK ACCOUNT KUNG SAAN INAKUSAHAN ANG SENADOR NA NARCO O DRUG LORD.

AYON KAY TRILLANES, NILABAG NI NIETO ANG CYBERCRIME PREVENTON ACT OF 2012 AT PROBISYON NG REVISED PENAL CODE NANG MAG POST ITO NG MGA MALISYOSONG ALEGASYON.

MALINAW ANIYA ANG LAYON NI NIETO NA SIRAIN ANG REPUTASYON NG SENADOR AT ANG PANGALAN NITO SA PUBLIKO.

SI TRILLANES AY HUMIHINGI NG TIG P1 MILYONG  MORAL AT EXEMPLARY DAMAGES SA BAWAT KASO BUKOD PA SA P250,000 NA ATTORNEYS FEE.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

INAPROBAHAN NA NG SENADO ANG PANUKALANG ITAAS PA ANG COVERAGE NG SWELDO NG MGA MANGAGAWA NA MALILIBRE SA BUWIS.

SA ILALIM NG SENATE BILL 1592 O TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION (TRAIN) APRUBADO NA ANG BERSYON NA MALIBRE SA BUWIS ANG MGA MANGAGAWANG KUMIKITA NG P250,000 KADA TAON.

ITO’Y PARA MADAGDAGAN PA ANG TAKE HOME PAY NG MGA MANGAGAWA TULAD AT MAKASABAY SA KASALUKUYANG INFLATION RATE O PAGMAHAL NG MGA BIILIHIN AT SERBISYO.

SA DATOS ANIYA NG DEPARTMENT OF FINANCE (DOF) AABOT SA 90 PERCENT NG MGA EMPLEYADO SA BUONG BANSA ANG MAKIKINABANG SA P250,000 SAHOD NA LIBRE SA BUWIS.

PALIWANAG NI SONNY ANGARA MAGING ANG LALAMPAS SA P250,000 SAHOD O KITA NG MANGAGAWA AT SELF EMPLOYED KADA TAON AY MAKIKINABANG DIN.

ANIYA SA INAPROBAHAN NG SENADO ANG LALAMPAS SA P250,000 NA KITA KADA TAON, TANGING ANG SOBRA SA P250,000 LAMANG ANG BABAYARANG BUWIS NG ISANG MANGGAGAWA O NG ISANG SELF EMPLOYED.

Thursday, 23 November 2017 07:23

PACQUIAO MASYADO KASING MATULUNGIN- VILLAR

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADORA CYNTHIA VILLAR ANG MASYADONG PAGIGING MATULUNGIN NI SENADOR MANNY PACQUIAO ANG NAGING DAHILAN KAYA ITO TILA NAPAPAGOD NA SA PULITIKA.

ITO ANG NAGING REAKSYON NG SENADORA MATAPOS NA MAGPAHAYAG SI PACQUIAO NA TILA NAPAPAGOD NA ITO SA KALAKARAN NG MADUMING PAMUMULITIKA SA BANSA KUNG KAYA’T NAGDADALAWANG ISIP ITO KUNG TATAKBO PA MULI MATAPOS ANG TERMINO SA PAGKA SENADOR.

SA PANAYAM, SINABI NI VILLAR NA MATULUNGIN TALAGA SI PACQUIAO KUNG SAAN PINATOTOHANAN NG SENADORA ANG SINABI NI PACQUIAO NA KAPAG NANANALO ITO NOON SA LABAN NITO SA BOXING SA LAS VEGAS AY NAMAMAHAGI ITO SA MGA MAHIHIRAP NA KABABAYAN PARTIKULAR NA SA SARANGGANI.

ANIYA NI VILLAR MAHIRAP TALAGA NA IPAMIMIGAY MO ANG PERANG PINAGHIRAPAN MO NG HINDI PINAGHIRAPAN NG IBA.

INIHALIMBAWA PA NG SENADORA NA TUMUTULONG ITO SA MAMAMAYAN PARA MAPAUNLAD ANG KABUHAYAN SA PAMAMAGITAN NG PROYEKTO O PANGKABUHAYAN.

ANIYA NI VILLAR BUKOD SA BINIBIGAY NITONG TULONG SA PAMAMAGITAN NG PROYEKTO DAPAT RIN TULUNGAN NILA ANG SARILI NA UMUNLAD SA PAMAMAGITAN NG PAGKAKAROON NG SARILING KABUHAYAN NA NAKAPALOOB SA PROYEKTO NG SENADORA.

ISINAGAWA NG SENADORA ANG PAHAYAG KASABAY NG IKA-7 OFWS & FAMILY SUMMIT KUNG SAAN LAYUNIN NITO NA TULUNGAN NA MAGNEGOSYO ANG MGA PAMILYA NG OFWS PARA MAS UMUNLAD ANG KABUHAYAN NG KAANAK NG OFWS.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENATE PRO-TEMPORE RALPH RECTO NA HINDI DAPAT NA MADALIIN NG SENADO ANG PAG-AMYENDA SA PROBISYON NG TRAIN O TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION NA TARGET NG SENADO NA MAIPASA SA BICAM PAGDATING NG DECEMBER 15,2017.

AYON KAY RECTO, INAASAHAN NA 2 ARAW NA ISASALANG SA PAGDINIG ANG MGA AMYENDA SA TRAIN DAHIL INAASAHAN NA MAGIGING MAHABA ANG DEBATE SA MGA PANUKALANG AMENDMENTS PARA MAKAPAGLABAS NG SENATE VERSION NG TRAIN.

GIIT NI RECTO, LAHAT NG PROBISYON NG PANUKALANG AMYENDA AY ISASALANG SA DEBATE LALO AT BUHAY AT HANAPBUHAY NG ORDINARYONG MAMAMAYANG PILIPINO ANG NAKASALALAY SA IPAPASANG BATAS O DAGDAG NA BUWIS.

SAMANTALANG UMAASA NAMAN SI SENADOR SONNY ANGARA, CHAIRPERSON NG SENATE COMMITTEE ON WAYS NA MATAPOS KAHAPON ANG DISKUSYON AT PAG-AMYENDA SA TRAIN KUNG SAAN IGINIGIIT NITO NA BASE SA KANILANG ISUSUMITENG AMYENDA, PAPASOK NAMAN SA REVENUE GOAL NG TAX REFORM PACKAGE NG DUTERTE ADMINISTRATION.

Page 10 of 1410

Broadcast Streaming

Top