JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

BINATIKOS NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV ANG PAG-ABSWELTO SA KASO NA ISINAMPA KAY DATING BOC COMM. NICANOR FAELDON KAUGNAY SA NAKAPUSLIT NA 6.4 BILYON PISONG HALAGA NG SHABU SA ADUANA.

HIMUTOK NI TRILLANES, KAPAG MGA MAHIHIRAP PATAY AGAD, PERO KAPAG ALAGAD NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE, NAAABSWELTO SA KASO TULAD RIN NG NANGYARI KAY SUPT MARVIN MARCOS NA SANGKOT SA PAGKAMATAY NG UMANOY DRUG LORD NA SI ALBUERA, LEYTE MAYOR ROLAND ESPINOSA.

PATUTSADA PA NG SENADOR, KUNG HINDI SINA FAELDON ANG MAY PAKANA NG PAGPUSLIT NG KALAHATING TONELADA NG SHABU BAKA UMANO GUSTONG ITURO NI PANGULONG DUTERTE AT KAMPO NI FAELDON YUNG SIKYU NG BOC ANG RESPONSABLE DITO

KAHAPON, IBINASURA NG DOJ ANG ISINAMPANG KASO NG PDEA KAUGNAY SA NABANGGIT NA SHABU SHIPMENT GALING CHINA DAHIL SA KABIGUAN UMANO NG PDEA NA MAGPRESENTA NG DAGDAG NA EBIDENSYA LABAN KINA FAELDON AT KAWALAN NG PROBABLE CAUSE PARA IPAGPATULOY ANG KASO.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

POSITIBO PA RIN SI PRESIDENTIAL ADVISER ON THE PEACE PROCESS SECRETARY JESUS DUREZA NA HINDI PA TULUYANG MAGSASARA ANG USAPANG PANGKAPAYAPAAN SA BANSA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DUREZA NA SA KABILA NG PAGLALABAS NILA NG DOKUMENTO HINGGIL SA PORMAL NA PAGKAKANSELA NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN SA PAGITAN NG PAMAHALAAN AT NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILPINAS, AY UMAASA SILA NA PANSAMANTALA LAMANG ITO.

BAGAMAT NANGHIHINAYANG ANIYA SILA SA DESISYONG ITO NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE, AY MAY IBA PA NAMANG PARAAN PARA MAKIPAG-USAP SA CPP-NPA-NDF HINGGIL SA PEACE TALKS.

SA NGAYON, INATASAN NA NG PANGULO SI GOVERNMENT PEACE PANEL CHAIRMAN SEC. SILVESTRE BELLO NA IPARATING SA MGA REBELDENG KOMUNISTA NA HINDI NA MATUTULOY ANG MGA NAKATAKDANG PAGPUPULONG HINGGIL SA PEACE TALKS.

NAUNA RITO,IGINIIT NI DUREZA NA NAPILITANG TULDUKAN NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG PEACE TALKS DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA PAG-ATAKE AT PAGPATAY NG MGA REBELDE NA ANITO’Y MALINAW NA ISANG URI NG PAGSUWAY SA HAKBANG NG PAGKAKASUNDO.

 

Thursday, 23 November 2017 10:51

POE HINANGAAN AT NIRERESPETO SI USEC. CHAVEZ

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NIRERESPETO NI SENADORA GRACE POE CHAIR NG PUBLIC SERVICE COMMITTEE ANG NAGBITIW KANINA SA PWESTO NASI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY FOR RAILS USEC. CESAR CHAVEZ.

ANIYA NI POE NIRERESPETO NITO ANG PAGBIBITIW NI CHAVEZ DAHIL SA SUNOD SUNOD NA NAGING PROBLEMA NG METRO RAIL TRANSIT ( MRT) LINE 3 KUNG SAAN ISANG BABAE ANG NAPUTULAN NG BRASO AT PAGHIHIWALAY NAMAN NG DALAWANG BAGON BUKOD PA SA ARAW ARAW NA ABERYA NITO.

SINABI NI POE NA HINAHANGAAN NITO SI CHAVEZ SA KANYANG SENSE OF DELICADEZA KASABAY NG PANGHIHINAYANG SA GINAWANG PAGBIBITIW NG KALIHIM.

ANIYA NG SENADORA NAKIKITA NITO NASI CHAVEZ ANG ISA SA MGA OPISYAL NG DOTR NA NAKIKITA ANG PROBLEMA NG MRT AT DEDICATED AA KANYANG TRABAHO BILANG USEC FOR RAILS.

SA KABILA NITO UMAASA PARIN SI POE NA MARERESOLBAHAN NG KASALUKUYANG PAMUNUAN NG DOTR ANG PROBLEMA SA MRT 3.

KASABAY NITO UMAASA NAMAN SI POE KAY PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA MAKAKAKUHA NG MAAYOS NA KAPALIT NA MAIPAGPAPATULOY ANG NAIWANG TRABAHO NI CHAVEZ BILANG USEC FOR RAILS NG DOTR NA MASIGURO ANG KALIGTASAN NG MGA MANANAKAY NG MRT.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

BAGAMA’T KINANSELA NA NG PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG USAPING PANGKAPAYAPAAN SA PAGITAN NG COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES, NEW PEOPLE'S ARMY, AT NATIONAL DEMOCRATIC FRONT (CPP- NPA- NDF) HINDI PARIN NAWAWALAN NG PAG-ASA SI SENADOR FRANCIS "CHIZ" ESCUDERO NA MAAYOS PARIN ITO.

AYON KAY ESCUDERO, NOON PA MAN AY PABOR NA SIYA SA MAPAYAPANG NEGOSASYON KAYSA SA MADUGONG PAKIKIBAKA PARA SA KAPAYAPAAN.

GIIT NG SENADOR, WALANG NANANALO SA DIGMAAN AT HIGIT PA RITO AY ANG MGA INOSENTENG SIBILYAN ANG NAILALAGAY SA PANGANIB.

UMAASA SI ESCUDERO NA ANG GINAWANG KANSELASYON SA PEACE TALKS AY ISA LAMANG MALIIT NA HADLANG  NA MAGSISILBING WAKE UP CALL SA DALAWANG PANIG LALO NA SA CPP NA ITIGIL NA ANG KANILANG MGA PAG-ATAKE AT MAGING TAPAT SA KANILANG PAKIKIPAG-USAP SA PAMAHALAAN.

SA HULI, UMAASA ANG MAMBABATAS NA MANANATILING BUKAS ANG PINTUAN PARA SA USAPANG KAPAYAPAAN KUNG HINDI MAN SA NATIONAL LEVEL AY SA LOCAL LEVEL SA HINAHARAP NA PANAHON.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

LABIS NA NALUNGKOT AT NABIGLA SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO SA PAGHAHAIN NG IRREVOCABLE RESIGNATION KANINA NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY FOR RAILS USEC. CESAR CHAVEZ.

AYON KAY EJERCITO ISA SI CHAVEZ SA PASSIONATE OFFICIALS NG DOTR KUNG KAYAT LABIS ITONG NANGHIHINAYANG SA PAGBIBITIW NG KALIHIM.

NANINIWALA ANG SENADOR NA BACK TO ZERO NA NAMAN ANG METRO RAIL TRANSIT AT IBA PANG RAILWAYS OPERATION KUNG SINO ANG BAGONG MATATALAGANG PAPALIT KAY CHAVEZ.

NANGHIHINAYANG SI EJERCITO DAHIL ALAM NA NI CHAVEZ ANG PROBLEMA SA MRT LINE 3 AT ALAM NA ANG MGA DAPAT NA GAWIN.

NANGANGAMBA ANG SENADOR DAHIL SA GINAWANG PAGBIBITIW NI CHAVEZ POSIBLENG MAAAPEKTUHAN NITO ANG OPERASYON NG RAILWAYS SA BANSA.

Page 9 of 1410

Broadcast Streaming

Top