JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADOR RICHARD GORDON CHAIRMAN NG BLUE RIBBON COMMITTEE NA NAKALUSOT MAN SINA DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT IBA PANG OPISYAL SA DEPARTMENT OF JUSTICE ( DOJ) SA KINAHAHARAP NA KASO NA ISINAMPA NG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY( PDEA) SA PAGKAKALUSOT NG P6.4 BILYON SHABU SHIPMENT SA BOC.

ANIYA NI GORDON HINDI PARIN MAKAKALUSOT ANG MGA NATURANG OPISYAL SA KAHAHARAPING KASO SA OMBUDSMAN NA BASE SA COMMITTEE REPORT NG ISINAGAWA NITONG PAGDINIG SA SENADO.

SA PANAYAM SINABI NI GORDON NA MAJORITY SA MGA SENADOR NA MIYEMBRO NG BLUE RIBBON COMMITTEE AY LUMAGDA NA SA COMMITTEE REPORT UKOL SA ISYU NG NAKALUSOT NA SHABU SHIPMENT SA CUSTOM.

IGINIIT NI GORDON NA BASE SA KANYANG COMMITTEE REPORT LUMALABAS NA NAGKAROON NG KAPABAYAAN ANG GRUPO NI FAELDON KUNG KAYA'T NA-FACILITATE AT NAKALUSOT ANG SHABU SHIPMENT SA CUSTOM NA BASE NARIN SA ISINAGAWANG PAGDINIG SA SENADO.

ANIYA DAHIL SA GINAWA NG GRUPO NI FAELDON MARAMING NAKAPASOK NA DROGA SA BANSA NA KANYANG IREREKOMENDA SA OMBUDSMAN NA KASUHAN SA SANDIGANBAYAN.

BUKOD DITO NAKIKITA RIN NI GORDON NA POSIBLENG SUMABIT DIN ANG GRUPO NI FAELDON SA ISINASAGAWA PA NILANG PAGDINIG UKOL SA PAGTANGGAP NG PAYOLA O TARA NA ALEGASYON NI SENADOR PANFILO LACSON.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

KINUWESTIYON NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON ANG PAGBASURA NG DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SA KASONG ISINAMPA NG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) LABAN KINA DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT IBA PANG OPISYAL UKOL SA NAKAPUSLIT NA P6.4 BILYONG HALAGA NG SHABU SHIPMENT.

AYON KAY GORDON, TUTOL SYA IN PART SA PAGKAKADISMISS NG DOJ SA KASO LABAN KINA FAELDON KUNG SAAN WALA PANG PINAL NA EBIDENSYA NA MAGPAPATUNAY NA WALA NGANG KINALAMAN ANG MGA DATING BOC OFFICIALS SA SHABU SHIPMENT NA NAKAPUSLIT GAMIT ANG GREEN LANE.

PALIWANAG NI GORDON, KUNG INAABSWELTO SINA FAELDON AT CAPT. GERARDO GAMBALA, DAPAT UMANONG BUSISIIN PA NG MAS MABUTI ANG KAUGNAYAN NI CAPTAIN NILO MAESTRECAMPO SA NABANGGIT NA SHABU SHIPMENT LALO AT ITO ANG RESPONSABLE SA PAGLUSOT NG SHIPMENT SA GREEN LANE.

GIIT NI GORDON, PREMATURE PA NA TULUYAN NA IBASURA ANG KASO LALO AT SA NGAYON AY INIIMBESTIGAHAN PA RIN NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE ANG POSIBLENG KINALAMAN NG MGA SANGKOT SA SHABU SHIPMENT SA UMIIRAL NA KORAPSYON AT TARA SYSTEM SA CUSTOMS.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NASA ISANLIBONG (1,000) MGA BUS ANG MABABAWASAN SA KAHABAAN NG EDSA KAPAG BINUKSAN ANG MODERNONG TRANSPORT TERMINAL SA PARAÑAQUE CITY.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY TIM ORBOS NA SA PAGBUBUKAS NG SOUTHWEST INTEGRATED TRANSPORT EXCHANGE O SWITEX AY INAASAHANG MASUSULUSYUNAN ANG PROBLEMA SA TRAPIKO SA METRO MANILA.

AYON PA KAY ORBOS, PINAGSAMANG TERMINAL NG LRT, BUS, UV EXPRESS AT JEEP ANG SWITEX PARA MADALING MAGPALIPAT-LIPAT NG MASASAKYAN ANG MGA PASAHERO.

HINDI RIN DAPAT ANIYA MABAHALA ANG MGA PASAHERO NA MALAYO ITO DAHIL NASA TATLONG LIBONG (3,000)  CITY BUSES ANG DITO RIN MAGTE-TERMINAL KAYA HINDI RIN MAKADARAGDAG SA PAMAHASAHE NA SUMASAKAY NG MGA BUS TUNGONG CAVITE O BATANGAS.

SA NGAYON AY NASA HALOS 50 PORSYENTO NA ANG NATATAPOS SA NATURANG PROYEKTO NA INAASAHANG MABUBUKSAN SA ABRIL 2018.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NAGBITIW NA SA PWESTO SI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION O DOTR UNDERSECRETARY CESAR CHAVEZ DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA ABERYA SA METRO RAIL TRANSIT 3 O MRT-3.

SA KANYANG RESIGNATION LETTER, SINABI NI CHAVEZ NA NAGDESISYON SIYA NA MAGBITIW SA PWESTO EFFECTIVE IMMEDIATELY UPANG BIGYAN NG MALAYANG KAMAY SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA MAGTALAGA NG KANYANG MAGIGING KAPALIT PARA MAKATULONG SA DOTR.

PINASALAMATAN NI CHAVEZ SI PANGULONG DUTERTE SA TIWALANG IBINIGAY SA KANYA AT NANINIWALA SIYA NA WALANG DAPAT NA EXCUSES SA KAPAG PUMALPAK SA TUNGKULIN SA GOBYERNO AT SERBISYO SA BAYAN.

NAUNA RITO, NANINDIGAN SI CHAVEZ NA GUMANDA ANG SERBISYO NG MRT-3 SA ILALIM NG ADMINISTRASYON NI PANGULONG DUTERTE MULA NANG MAG-TAKE OVER SILA SA PWESTO.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

TIWALA ANG KAMPO NI CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO NA LALABAS SA MGA SUSUNOD NA IMPEACHMENT PROCEEDINGS SA KAMARA ANG WALANG BASEHAN ANG REKLAMONG INIHAIN NI ATTY. LARRY GADON.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI ATTY. JOSA DEINLA, TAGAPAGSALITA NI SERENO, NA MATAPOS PABULAANAN NI ASSOCIATE JUSTICE TERESITA DE CASTRO ANG PAHAYAG NI GADON NA SIYANG SOURCE UMANO NG IMPORMASYON NG MANILA TIMES REPORTER NA SI JOMAR CANLAS TUNGKOL SA ISANG TEMPORARY RESTRAINING ORDER O TRO NA INILABAS DAW NI SERENO.

MATATANDAANG KAHAPON, SA PAGDINIG NG HOUSE JUSTICE COMMITTEE AY KINUMPIRMA DAW NI DE CASTRO KAY CANLAS NA SINALUNGAT NITO ANG TRO NA INILABAS NI SERENO NOONG MAYO 2013.

GAYUNMAN WALA NAMANG NAIPAKITANG DOKUMENTO SI GADON HINGGI SA SINASABING DRAFT NA SINALUNGAT NI SERENO KAYA MALINAW NA HEARSAY LAMANG ANG MGA BASEHAN NG IMPEACHMENT COMPLAINT NI GADON.

NANINIWALA NGAYON ANG KAMPO NI SERENO NA WALANG MAPAPATUNAYAN ANG MGA IHAHARAP NA TESTIGO NI GADON AT  HINDI NA DAPAT UMABOT PA SA SENADO.

Page 8 of 1410

Broadcast Streaming

Top