JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

SA IKAWALONG PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE KAUGNAY SA P6.4B SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC), TATLONG MOSYON ANG AGAD NA INIHAIN NI SENADOR PANFILO LACSON.

UNANG MOSYON NI LACSON ANG IBALIK ANG SENATE PROTECTION KAY CUSTOMS FIXER MARK TAGUBA NA TINANGGAL NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN RICHARD GORDON NOONG IKAANIM NA HEARING.

AGAD NAMANG NAGPALIWANAG SI GORDON SA HEARING AT SINABING NAGDESISYON SYA NA ALISIN ANG APAT NA SECURITY KAY TAGUBA MAKARAAN NILANG MAPATUNAYAN NA KAYA NAMAN NITONG KUMUHA NG SARILI NIYANG SECURITY.

MATAPOS NITO, IBINALIK NA ANG SENATE PROTECTION CUSTODY KAY TAGUBA.

IKALAWANG MOSYON NI LACSON ANG ATASAN ANG BOC PARTIKULAR NA SI COMMISSIONER ISIDRO LAPEÑA NA ISUMITE SA KUMITE ANG TALAAN NG MGA INILABAS NILANG ALERT ORDERS BAWAT BUWAN.

SA IMPORMASYON NI LACSON, NASA APAT NA RAAN (400) ANG ALERT ORDER NA NAILALABAS KADA BUWAN.

NAIS DIN NI LACSON NA ISUMITE NG BOC ANG MGA LETTER OF AUTHORITY NA INILABAS NG AHENSYA AT KUNG ANO ANG NANGYARI SA MGA ITO.

IKATLONG MOSYON NI LACSON NA IMBITAHAN ANG LAHAT NG MGA PERSONALIDAD NA NABANGGIT SA KAN’YANG PRIVILEGE SPEECH AT SA MGA PAGDINIG NG KAMARA AT SENADO.

BUKOD SA NAUNANG MOSYON, INAPRUBAHAN DIN NG KOMITE ANG DALAWA PANG MOSYON NA INIHAIN NI LACSON.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: ROMMEL MADRIGAL

PAREHONG DEAD ON ARRIVAL SA PAGAMUTAN ANG DALAWANG MAG-UTOL MATAPOS MAGDWELO GAMIT ANG PATALIM SA BRGY. STO. TOMAS, CALAUAN LAGUNA.

KINILALA ANG MGA NASAWI NA SINA LEONARDO ABERILLA LOZANO, 47 TAON AT ANG SINASABING NAUNA O PASIMUNO SA AWAY NA SI ERNESTO ABERILLA LOZANO, 64 NA TAON NG B37, L90, NHA SITE3, BRGY.STO. TOMAS, CALAUAN LAGUNA.

BASE SA ULAT NA IPINADALA NG LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE, DAKONG IKA-10 AT KALAHATI NG GABI, NANG MAGANAP ANG MADUGONG SAGUPAAN NG MAG-UTOL, NAG-IINUMAN UMANO SA NASABING LUGAR ANG MGA KASAMAHAN NG NAKABABATANG KAPATID NG UMANO’Y NAGKATITIGAN NG MASAMA ANG DALAWA, NAGING HUDYAT PARA SA NAKATATANDANG KAPATID NA SINALAKAY SI LEONARDO, PINAGSASAKSAK NG MARAMING BESES ITO, DOON NA NAGANAP ANG DWUELO NG DALAWA NA NASAKSAK DIN ANG SUSPEK.

NAISUGOD NAMAN KAPWA ANG DALAWA SA MALAPIT NA HOSPITAL SUBALIT IDINEKLARANG DEAD ON ARRIVAL AYON SA ATTENDING PHYSICIAN NA SI DR. NATANIEL RALLOS.

SINASABING ANG NAGING DAHILAN NG AWAY NG DALAWA AY HINIHINALANG ANG AWAY PA NILA NOONG NAKARAANG PANAHON.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

TAHASANG SINABI NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON NA TAPOS NA ANG KAN’YANG COMMITTEE SA ISINAGAWANG IMBESTIGASYON KINA DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT SA BAYAW NITO N SI ATTY. MANS CARPIO SA PAGKAKASANGKOT NITO SA TARA O LAGAY SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC).

SINABI NG SENADOR NA HINDI NA MAASAHAN NGAYON ANG PAGDATING NG DALAWA SA BLUE RIBBON HEARING UKOL SA P6.4B SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BOC DAHIL HINDI NA KAILANGAN ANG KANILANG PRESENSYA MATAPOS HUMARAP SA NAKARAANG PAGDINIG.

IGINIIT NI GORDON NA KITANG-KITA SA NAKARAANG PAGDINIG NA WALANG SAPAT NA KATIBAYAN SI TRILLANES PARA IDIIN SINA VM DUTERTE AT ATTY. CARPIO SA MGA ALEGASYON NITO.

ANIYA NG SENADOR, HINDI MAARING MAGAMIT PA ANG SENADO PARA SA MGA HEARSAY NA MGA AKUSASYON LABAN SA ILANG PERSONALIDAD.

NAKATAKDANG IPAGPATULOY NGAYONG ARAW ANG IKAWALONG PAGDINIG NG SENADO KUNG SAAN INAASAHAN ANG PAGDATING NI DATING BOC COMMISSIONER CAPT. NICANOR FAELDON SUBALIT HINDI PARA DUMALO SA IMBESTIGASYON KUNDI BOLUNTARYONG SUSUKO MATAPOS ANG IPINALABAS NA ARREST WARRANT NG LABAN KAY FAELDON.

MAGUGUNITA NA NOONG NAKARAANG SABADO, NAGTUNGO ANG MGA TAUHAN NG OFFICE OF THE SENATE SERGEANT-AT-ARMS SA TAHANAN NI FAELDON, BITBIT ANG ARREST WARRANT HINDI UPANG IPATUPAD ARESTO KAY MAYOR KUNDI PARA TIYAKIN ANG PAGDALO NI FAELDON NGAYONG ARAW NG PAGDINIG.

NANGAKO NAMAN SI FAELDON NA BOLUNTARYONG SUSUKO NGAYONG ARAW SA SENADO PERO NANINDIGAN NA HINDI ITO DADALO SA IKAWALONG IMBESTIGASYON NG BLUE RIBBON SA ISYU NG NAKALUSOT NA SHABU SHIPMENT SA BOC.

Monday, 11 September 2017 12:03

2 TULAK NG DROGA, ARESTADO SA STA. ROSA CITY

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: ROMMEL MADRIGAL

WALA PA RING TAKOT ANG NAGPAPAKALAT NG IPINAGBABAWAL NA DROGA SA STA. ROSA CITY MATAPOS MAARESTO ANG DALAWA (2) SA ISINAGAWANG BUY BUST OPERATION SA BRGY. CAINGIN NG NASABING LUNGSOD.

KINILALA NI STA. ROSA COP OIC PSUPT. HAROLD DEPOSITAR ANG MGA NAARESTONG SUSPEK NA SINA CLARK GONZALES, 26 NA TAON NG PHASE 4 SOUTHVILLE 4 BRGY. CAINGIN AT RONBERT ALINAS, DALAWAMPU’T SIYAM (29) NA CONSTRUCTION WORKERS NG BLK. 20 LOT 25 PHASE 1, VILA STA. ROSA NG NATURANG BRGY. AT LUNSOD.

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG STA. ROSA LAGUNA PPO SA DZRJ, ISINAGAWA ANG BUY BUST OPERATION KAAKIBAT ANG KOORDINASYON MULA SA PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) NA NAGING DAHILAN SA PAGKAARESTO NG MGA SUSPEK.

NABATID NA NAGPANGGAP ANG ISANG POLICE INTELLIGENCE NA ISANG POSEUR BUYER NA NAKIPAGPALITAN NG DROGA SA INAAKALA NG SUSPEK NA TUNAY NA ADIK KAYA’T NAHULOG SA KAMAY NG MGA OTORIDAD ANG MGA SUSPEK NA UMANO’Y MGA BAGONG NAKIKILALANG NAGPAPAKALAT NG IPINAGBABAWAL NA DROGA SA KANILANG LUGAR.

NAKUHA SA PAG-IINGAT NG MGA SUSPEK ANG ANIM (6) NA PIRASO NG NASA PLASTIC SACHET NA HINIHINALANG SHABU NA TINATAYANG NAGKAKAHALAGA NG SAMPUNG LIBONG PISO (P10,000) AT NAKUHA RIN ANG LIMANDAANG PISO (P500) NA BUY BUST MONEY.

KAYA’T SASAMPAHAN NG KASONG PAGLABAG SA SEC. 5 AT 11, ARTICLE 2 REPUBLIC ACT 9165 NA MAY KAUGNAYAN DIN SA COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUG ACT OF 2002.

ANG MGA NAARESTONG SUSPEK AY KASALUKUYAN NG NAKADETINE SA STA. ROSA POLICE STATION AT ANG MGA NAKUMPISKANG EBIDENSYA AY DINALA SA PNP CRIME LABORATORY OFFICE SA 4-A SACAMP VICENTE LIM, BRGY. MAYAPA, CALAMBA CITY PARA SA LABORATORY EXAMINATION.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

SUGATAN ANG ISANG OBRERO MATAPOS SAKSAKIN NG KAN’YANG KASAMAHAN SA TRABAHO SA LUNGSOD NG MAKATI.

NAKILALA NG BIKTIMA NA SI DELFIN JOVES JR., 31-ANYOS HABANG AGAD NAMANG NAHULI ANG SUSPEK NA SI RICO DONE, 51-ANYOS, PAREHONG NAGTATRABAHO SA ISANG CONSTRUCTION SITE SA BONIFACIO ST., BRGY. PEMBO NG NABANGGIT NA LUNGSOD.

SA IMBESTIGASYON NI PO2 JOHN MARLOU GARCIA, NAG-IINUMAN ANG DALAWA SA LUGAR NANG MAMAGITAN SA KANILA ANG MAINITANG PAGTATALO.

SINASABING BIGLA NA LANG KUMUHA NG PATALIM SI DONE AT WALANG AWANG INUNDAYAN NG SAKSAK ANG BIKTIMA.

INIHAHANDA NA ANG KAUKULANG KASONG ISASAMPA LABAN SA NAHULING SUSPEK.

Page 7 of 1344

Broadcast Streaming

Top