JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

ISINISISI PA NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON KINA SENADOR PANFILO LACSON AT SENADOR ANTONIO TRILLANES IV KAYA HINDI NITO NAKUNBINSI DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON NA DUMALO SA PAGDINIG SA SENADO.

MATAPOS ANG KULANG KULANG 30 MINUTO NA PAKIKIPAG-USAP NI GORDON KAY FAELDON SA TANGGAPAN NG OFFICE OF THE SERGEANT AT ARMS (OSAA) NG SENADO HINDI NITO NAKUNBINSI SI FAELDON NA DUMALO SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE.

SA PANAYAM SA LABAS NG TANGGAPAN NG OSAA SINABI GORDON NA NAGING MAAYOS NAMAN AT MAGALANG ANG PAKIKIPAG-USAP SA KANYA NI FAELDON. SUBALIT IGINIIT SA KANYA NI FAELDON NA HINDI ITO DADALO SA PAGDINIG DAHIL HINUSGAHAN NA ANIYA ITO NI LACSON AT TRILLANES.

ANIYA MAS NANAISIN NA LAMANG NI FAELDON NA MA-DETAINED SA SENADO KESA HUMARAP SA IMBESTIGASYON. SINABI PA NI GORDON NA SASAGUTIN NA LAMANG ANIYA NI FAELDON SA KORTE ANG NGA ALEGASYON LABAN SA KANYA NA TUMATANGGAP ITO NG TARA SA BOC OPERATION.

INAMIN DIN NA GORDON NA TINURUAN PA NITO SI FAELDON NA MAARI NAMAN ITONG MAGHAIN NG ETHICS COMPLAINTS LABAN SA SENADOR DAGDAG PA NG SENADOR MANANATILI SI FAELDON NA NAKADETINE SA OSAA HANGAT HINDI ITO DUMADALO SA PAGDINIG O HANGGAT HINDI PINALALAYA NG SENADO.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

DUDA ANG NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) SA PANIBAGONG STATEMENT NG TAXI DRIVER NA SINASABING HINOLDAP NI CARL ANGELO ARNAIZ.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI NCRPO DIRECTOR CHIEF SUPERINTENDENT OSCAR ALBAYALDE NA IPINAGTATAKA NILA NGAYON SA MULING PAGBABAGO NG STATEMENT NG TAXI DRIVER NA SI TOMAS BAGCAL.

AYON PA KAY ALBAYALDE, NGAYON ANIYA NA KINUKOP SI BAGCAL NG IBANG GRUPO AY NAG-IBA NA NAMAN ANG KAN’YANG STATEMENT.

GAYUNMAN, ITINUTURING NAMAN NI ALBAYALDE NA MAGANDANG BALITA ANG PAGLUTANG NI BAGCAL DAHIL ITO LANG UMANO ANG MAKAKAPAGBIGAY-LINAW SA KASO NG PAGKAKAPATAY NG 19-ANYOS NA SI ARNAIZ.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

WALA PANG NAIULAT NA PINOY NA NASUGATAN O NASAKTAN SA PANANALASA NG HURRICANE IRMA SA US STATE SA FLORIDA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS (DFA) SPOKESPERSON ROBESPIERRE BOLIVAR NA NAUNA NA NILANG PINAYUHAN ANG MGA PINOY NA NAGTATRABAHO AT NANINIRAHAN SA FLORIDA NA SUMUNOD SA ADVISORY NG ESTADOS UNIDOS.

AYON PA KAY BOLIVAR, BAGO MAG-WEEKEND AY PINAYUHAN NA NI FLORIDA GOV. RICK SCOTT ANG MGA RESIDENTE NA MAG-EVACUATE BAGO PA MAN ANG POSIBLENG PAGTAMA SA KALUPAAN NG HURRICANE IRMA.

NABATID NA TINATAYANG 150,000 PILIPINO ANG NANINIRAHAN AT NAGTATRABAHO SA NASABING STATE.

SA NGAYON, PATULOY NA MONI-MONITOR NG DFA ANG SITWASYON SA FLORIDA KASABAY NG PAGTITIYAK NG TULONG SA MGA NAAPEKTUHANG PILIPINO DOON.

SAMANTALA, WALA PA RING NAITALANG PINOY NA NADAMAY SA PAGYANIG NG MAGNITUDE 8.1 NA LINDOL SA MEXICO.

HANDA NAMAN UMANO ANG EMBAHADA NG PILIPINAS SA NASABING BANSA UPANG ALAMIN ANG SITWASYON NG MGA PILIPINO SA MGA ESTADO NG CHIAPAS AT OAXACA NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG LINDOL.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

SA IKAWALONG PAGDINIG NG SENADO SA KATIWALIAN SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC), ITINANGGI NI DATING COL. ALLEN CAPUYAN ANG MGA ALEGASYON LABAN SA KAN’YA NI CUSTOMS FIXER MARK TAGUBA.

SA NATURANG PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HINGGIL SA SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BOC, BINIGYANG-DIIN NI CAPUYAN NA HINDI S’YA MIYEMBRO NG DAVAO GROUP.

IDINAGDAG PA NI CAPUYAN NA WALA SIYANG DIREKTANG KINALAMAN SA OPERASYON NG CUSTOMS AT WALA S’YANG ALAM SA MGA TRANSAKSYON DITO.

INAMIN NAMAN NI CAPUYAN NA NAKILALA NITO SI TITA NANI SA PAMAMAGITAN NI JOJO BACUD AT NOONG ABRIL AY NAGKAROON SILA NG LUNCH MEETING KASAMA SI MARK TAGUBA.

SA NATURANG MEETING ANIYA NALAMAN NITO NA LAGING NAAALERT ANG MGA KARGAMENTO NI TAGUBA AT NAGSABI SIYA NA TUTULONG SUBALIT  WALANG COMMITMENT.

NANINIWALA RIN SI CAPUYAN NA SA PAGTUTURO NI TAGUBA AY PILIT NITONG ISINASALBA ANG SARILI SA MGA NAGANAP NA ANOMALYA SA AHENSYA.

SA PANIG NAMAN NI TAGUBA PINANINDIGAN NITO ANG ALEGASYON NA SI COL. CAPUYAN ANG KAN’YANG TINUTUKOY NA BIG BROTHER NG CUSTOM.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NAPAGKASUNDUAN NG MGA MIYEMBRO NG COMMITTEE ON ETHICS SA KANILANG ISINAGAWANG PAGDINIG NA SAGUTIN NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV ANG ETHICS COMPLAINTS NA ISINAMPA SA KAN’YA NI SENADOR RICHARD GORDON.

SA ISINAGAWANG PRESS CONFERENCE MATAPOS ANG PAGDINIG, SINABI NG CHAIRMAN NG ETHICS COMMITTEE NA SI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III NA NAPAGKASUNDUAN NA SAGUTIN NI TRILLANES SA LOOB NG SAMPUNG ARAW (10) ANG REKLAMO NA ISINAMPA LABAN SA KAN’YA.

ANIYA, SAKALING SAGUTIN NI TRILLANES ANG REKLAMO, BIBIGYAN NAMAN NG DALAWANG (2) ARAW SI GORDON BILANG COMPLAINANTS NA SAGUTIN NAMAN ANG NAGING AFFIDAVIT NI TRILLANES.

MATAPOS NITO AY MAARI NA NILANG SIMULAN ANG PAGDINIG NG COMPLAINTS LABAN KAY TRILLANES.

SINABI PA NI SOTTO NA POSIBLENG UMABOT SA DALAWANG BUWAN ANG PAGDINIG AT SAKALING MAPATUNAYAN NA MAY BASEHAN ANG REKLAMO AY MAARING MAPARUSAHAN SI TRILLANES.

Page 6 of 1344

Broadcast Streaming

Top