JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

PATAY ANG LABING-APAT (14) NA HINIHINALANG MIYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY (NPA) MATAPOS NA MAKIPAGBARILAN SA MGA PULIS AT SUNDALO SA MAGKAHIWALAY NA INSIDENTE SA BARANGAY AGA AT BARANGAY KAYLAWAY, BAYAN NG NASUGBU LALAWIGAN NG BATANGAS.

LIMA (5) SA MIYEMBRO NG NPA ANG NAMATAY SA BARANGAY AGA AT SIYAM (9) NAMAN ANG NASAWI SA BARANGAY KAYLAWAY.

SAMANTALANG DALAWA (2) NAMAN SA KASAMAHAN NITO ANG NASUGATAN SA PALITAN NG PUTOK SA MGA OTORIDAD ANG ITINAKBO SA KALAPIT NA HOSPITAL NA NGAYON AY TODO BANTAY NG MGA PULIS.

NAKATANGGAP NG IMPORMASYON ANG MGA PULIS AT SUNDALO NA MAY NAMATAAN NA ARMADONG GRUPO NA NAKASAKAY SA ISANG JEEP AT CLOSED VAN SA SITIO PINAMATASAN BARANGAY AGA BAYAN NG NASUGBU.

LUMALABAS SA INISYAL NA REPORT NA AGAD NA NAGPAPUTOK ANG MGA ARMADONG GRUPO NG MAKITA ANG MGA OTORIDAD NA IKINASAWI NG LIMA (5).

GANUN DIN SA BARANGAY KAYLAWAY NA NAKATANGGAP DIN NG IMPORMASYON ANG OTORIDAD NA KINASAWI NAMAN NG SIYAM (9) NA MIYEMBRO NG NPA.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

SINABI NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III NA TATAPUSIN NILA NGAYONG ARAW ANG 2ND AT 3RD ANG FINAL READING NG TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION (TRAIN) MATAPOS ANG PAG-AMIYENDA NITO KAGABI.

SAMANTALANG AYON KAY SOTTO ANG PANUKALANG 2018 NATIONAL BUDGET NA AABOT SA P3.767 TRILYON AY SISISKAPIN NILANG TAPUSIN SA 2ND AND 3RD READING BUKAS NOBYEMBRE 29.

TUNGKOL NAMAN SA USAPIN SA PAGKAKAROON NG SPECIAL SESSION O COMMITTEE HEARING SA BANGSAMORO BASIC LAW (BBL) SINABI NI SOTTO NA MALABO ITONG MATAPOS BAGO MAG-ADJOURN ANG SESYON SA DISYEMBRE 16.

PALIWANAG NI SOTTO SA PAGSASAGAWA PA LAMANG NG PAGDINIG 289 SECTIONS ANG KANILANG TATALAKAYIN NA AABOT SA MAHIGIT SA ISANG BUWAN.

ANIYA HINDI PA KASAMA DITO ANG DEBATE AT PAGTATANONG NG MGA SENADOR.

IGINIIT PA NI SOTTO NA KAHIT PUMASOK PA SILA SA ARAW NG PASKO AT BAGONG TAON HINDI MATATAPOS ANG BBL.

DAGDAG PA NI SOTTO NA MAARI NAMAN ITO NA TALAKAYIN NG SENADO SA UNANG QUARTER SA SUSUNOD NA TAON.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

NAKURYENTE NGA BA ANG MGA TAUHAN NG MINES AND GEOSCIENCES BUREAU (MGB) AT ANG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) SA ISINAGAWANG RAID SA ISANG QUARRY COMPANY SA BARANGAY STO. NIÑO TAYSAN BATANGAS KAMAKAILAN.

ANG GINAWANG RAID NG NBI AT MGB SA MAPTAN CONSTRUCTION AY NAGRESULTA SA PAGKAKAARESTO NG APAT (4) NA DRIVER AT DALAWANG (2) PAHINANTE NG TRAK AT PAGKAKAKUMPISKA NG BACK HOE, DUMPTRUCKS AT IBA PANG KAGAMITAN SA PAGKUKWARI.

BATAY SA REKLAMO NG MGA RESIDENTE SA LUGAR, ANG MAPTAN AY NAG-OOPERATE NG QUARRY SA LOOB NG 10 TAON NA WALANG KAUKULANG PERMISO AT ENVIRONMENTAL COMPLIANCE CERTIFICATE .

NAG-POPRODUCTION UMANO ANG MAPTAN NG 20 TRUCK LOAD KADA ARAW.

AGAD NAGSAGAWA NG RAID NG TEAM NA PINAMUMUNUAN NINA MARIA LOURDEZ AGRIARTE EXAMINER 3 NG MGB CALABARZON, AT ATTY. ERIC NUQUI, CHIEF NBI ENVIRONMENTAL CRIME DIVISION, NA IKINAARESTO NGA NG MGA SUSPEK.

LUMILITAW NA WALANG KATOTOHANAN ANG ALEGASYON NA NA WALANG ECC ANG KUMPANYA DAHIL BATAY SA TALA NG ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU (EMB) MAY ECC ANG MAPTAN CONSTRUCTION AND EQUIPMENT RENTALS NA INISYU NOONG FEBRUARY 9,2007 AT OCT 24,2013.

SA PANIG NG MGB, SINASABI NG MGA ITO NA BAGAMA'T MAY ECC ANG KUMPANYA AY LUMALABAS SA PROVINCIAL MINING REGULATORY BOARD (PMRB) REPORT NA WALANG QUARRY PERMIT MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN.

ANG MAPTAN AY NAG-OOPERATE SA MAY 5,487 SQUARE METERS NA LUPAIN SA BARANGAY STO NINO.

SA KASALUKUYAN AY ISINASAAYOS PA RIN NG MGB ANG KANILANG REPORT AT GUMAGAWA PA NG KAUKULANG IMBESTIGASYON. 

Tuesday, 28 November 2017 11:41

SPECIAL SESSION PARA SA BBL IGINIIT NI KOKO

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENATE PRESIDENT AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III NA KAKAILANGANIN NA MAGPATAWAG NG SPECIAL SESSION ANG PANGULONG RODRIGO DUTERTE PARA MAPASPASAN NG SENADO ANG PAGTALAKAY SA PANUKALANG BANGSAMORO BASIC LAW (BBL).

ANIYA NI PIMENTEL MAHALAGA ANG SPECIAL SESSION PARA MAPASPASAN ANG BBL BAGO ANG ADJOURNMENT SA DISYEMBRE 16.

SA KABILA NITO AMINADO NAMAN SI PIMENTEL NA HINDI KASAMA SA PRIORITY AGENDA NG SENADO ANG BBL .

DAGDAG PA NG SENADOR KUKUNSULTAHIN PARIN NITO ANG MGA KASAMAHAN PARA SA NATURANG PAGTALAKAY SA BBL BAGO ANG ADJOURNMENT.

SINABI NAMAN NI PANFILO LACSON NA KAHIT NA WALANG SPECIAL SESSION NA IPATAWAG ANG PANGULO MAARI NAMAN NA MAGSAGAWA NG HEARING ANG SENADO SUBALIT HINDI ITO MATATAPOS BAGO MAG-ADJOURN ANG SESSION SA DISYEMBRE.

SA PARTE NAMAN NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III SINABI NITO NA KAHIT NA MAGSAGAWA SILA NG PAGDINIG NG PASKO AT BAGONG TAON MALABO PARIN NA MATAPOS ANG PANUKALANG BBL.

ANIYA NI SOTTO MAS MAKAKABUTI NA HINDI MAGHAHABOL SA ORAS KUNG TATALAKAYIN NILA ITO SA FIRST QUARTER NG SUSUNOD NA TAON.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

TANGGAP NA NG GRUPO NG MGA PLASTIC SURGEON ANG DESISYON NG SENADO NA PATAWAN PA RIN NG 10 PERCENT NA BUWIS ANG NGA COSMETIC SURGERIES.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DATING PHILIPPINE ASSOCIATION OF PLASTIC, RECONSTRUCTIVE AND AESTHETIC SURGEONS, INC. (PAPRAS) PRESIDENT DR. JOSE JOVEN CRUZ NA BAGAMA’T WALA PANG PINAL NA DESISYON UKOL DITO AY BATID NILANG WALA NA SILA PANG MAGAGAWA PARA MAHARANG PA ITO.

GAYUNMAN, NANGANGAMBA PA RIN SI CRUZ SA EPEKTO NITO SA COSMETIC ENHANCEMENT INDUSTRY SA BANSA DAHIL POSIBLENG DUMAMI PA ANG MGA MALILIIT NA KLINIKA NA MAG-OOPERATE NANG WALANG KAUKULANG PERMIT PARA MAENGGANYO ANG MGA NAIS MAGPA-RETOKE.

ANG MGA HINDI KASI REHISTRADONG KLINIKA AY MAKAKAIWAS NA MAGPATAW NG TAX SA KANILANG COSMETIC PROCEDURES KAYA HINDI ITO MAGTATAAS NG PRESYO.

MULI RING IGINIIT NI CRUZ NA HINDI LANG  MGA MAYAYAMAN ANG NAGNANAIS NA SUMAILALIM SA PAGPAPARETOKE KAYA TIYAK NA MABABAWASAN ANIYA ANG KANILANG PASYENTE DAHIL POSIBLENG HINDI NA ITO ABOT-KAYA PARA SA KARAMIHAN.

KAHAPON AY NAPAGKASUNDUAN NG MGA SENADOR NA MULA SA 20 PERCENT AY IBABA NA LAMANG SA 10 PERCENT ANG COSMETIC TAX.

Page 5 of 1410

Broadcast Streaming

Top