JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Thursday, 23 November 2017 07:23

PACQUIAO MASYADO KASING MATULUNGIN- VILLAR

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADORA CYNTHIA VILLAR ANG MASYADONG PAGIGING MATULUNGIN NI SENADOR MANNY PACQUIAO ANG NAGING DAHILAN KAYA ITO TILA NAPAPAGOD NA SA PULITIKA.

ITO ANG NAGING REAKSYON NG SENADORA MATAPOS NA MAGPAHAYAG SI PACQUIAO NA TILA NAPAPAGOD NA ITO SA KALAKARAN NG MADUMING PAMUMULITIKA SA BANSA KUNG KAYA’T NAGDADALAWANG ISIP ITO KUNG TATAKBO PA MULI MATAPOS ANG TERMINO SA PAGKA SENADOR.

SA PANAYAM, SINABI NI VILLAR NA MATULUNGIN TALAGA SI PACQUIAO KUNG SAAN PINATOTOHANAN NG SENADORA ANG SINABI NI PACQUIAO NA KAPAG NANANALO ITO NOON SA LABAN NITO SA BOXING SA LAS VEGAS AY NAMAMAHAGI ITO SA MGA MAHIHIRAP NA KABABAYAN PARTIKULAR NA SA SARANGGANI.

ANIYA NI VILLAR MAHIRAP TALAGA NA IPAMIMIGAY MO ANG PERANG PINAGHIRAPAN MO NG HINDI PINAGHIRAPAN NG IBA.

INIHALIMBAWA PA NG SENADORA NA TUMUTULONG ITO SA MAMAMAYAN PARA MAPAUNLAD ANG KABUHAYAN SA PAMAMAGITAN NG PROYEKTO O PANGKABUHAYAN.

ANIYA NI VILLAR BUKOD SA BINIBIGAY NITONG TULONG SA PAMAMAGITAN NG PROYEKTO DAPAT RIN TULUNGAN NILA ANG SARILI NA UMUNLAD SA PAMAMAGITAN NG PAGKAKAROON NG SARILING KABUHAYAN NA NAKAPALOOB SA PROYEKTO NG SENADORA.

ISINAGAWA NG SENADORA ANG PAHAYAG KASABAY NG IKA-7 OFWS & FAMILY SUMMIT KUNG SAAN LAYUNIN NITO NA TULUNGAN NA MAGNEGOSYO ANG MGA PAMILYA NG OFWS PARA MAS UMUNLAD ANG KABUHAYAN NG KAANAK NG OFWS.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENATE PRO-TEMPORE RALPH RECTO NA HINDI DAPAT NA MADALIIN NG SENADO ANG PAG-AMYENDA SA PROBISYON NG TRAIN O TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION NA TARGET NG SENADO NA MAIPASA SA BICAM PAGDATING NG DECEMBER 15,2017.

AYON KAY RECTO, INAASAHAN NA 2 ARAW NA ISASALANG SA PAGDINIG ANG MGA AMYENDA SA TRAIN DAHIL INAASAHAN NA MAGIGING MAHABA ANG DEBATE SA MGA PANUKALANG AMENDMENTS PARA MAKAPAGLABAS NG SENATE VERSION NG TRAIN.

GIIT NI RECTO, LAHAT NG PROBISYON NG PANUKALANG AMYENDA AY ISASALANG SA DEBATE LALO AT BUHAY AT HANAPBUHAY NG ORDINARYONG MAMAMAYANG PILIPINO ANG NAKASALALAY SA IPAPASANG BATAS O DAGDAG NA BUWIS.

SAMANTALANG UMAASA NAMAN SI SENADOR SONNY ANGARA, CHAIRPERSON NG SENATE COMMITTEE ON WAYS NA MATAPOS KAHAPON ANG DISKUSYON AT PAG-AMYENDA SA TRAIN KUNG SAAN IGINIGIIT NITO NA BASE SA KANILANG ISUSUMITENG AMYENDA, PAPASOK NAMAN SA REVENUE GOAL NG TAX REFORM PACKAGE NG DUTERTE ADMINISTRATION.

Wednesday, 22 November 2017 13:20

DALAWANG BOUNCER ARESTADO SA MAYNILA

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

 INARESTO ANG DALAWANG BOUNCER NG ISANG RESTOBAR MATAPOS PAGTULUNGANG BUGBUGIN ANG NAPADAANG LALAKI SA MACEDA ST. CORNER MARIA CLARA ST. SA SAMPALOC MAYNILA.

NAKILALA ANG MGA SUSPEK NA SINA LEO MENDOZA, 30 TAONG GULANG, AT ROWEL VILLENA, 33 TAONG GULANG.

NAMAMAGA PA ANG MUKHA AT MARAMING SUGAT SA ULO AT KAMAY ANG BIKTIMANG SI ADORNADO JANDAYA NANG DUMULOG SA POLICE STATION.

AYON KAY PO3 DINDO ENCINA NG SAMPALOC POLICE, HINDI AGAD NAKAPAGSUMBONG SA MGA PULIS ANG BIKTIMA DAHIL KINAILANGAN ITONG DALHIN SA OSPITAL MATAPOS MAWALAN NG MALAY.

NANG PUNTAHAN ANG RESTOBAR AY NAARESTO ANG DALAWANG SUSPEK PERO HINDI INABUTAN ANG IBA PA.

MAHAHARAP ANG DALAWA SA MGA REKLAMONG SERIOUS PHYSICAL INJURIES AT GRAVE THREAT HABANG PATULOY NA HINAHANAP ANG IBA PANG NAMBUGBOG SA BIKTIMA.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

 IKINATUWA NI SENADOR CYNTHIA VILLAR ANG CHAIR NG AGRICULTURE COMMITTEE ANG MATAGUMPAY NA IKA-PITONG TAON NA OFW AND FAMILY SUMMIT NA GINANAP SA WORLD TRADE CENTER SA PASAY CITY.

DINAGSA NG LIBU-LIIBONG OVERSEAS FILIPINO WORKERS AT PAMILYA NG MGA OFWS ANG NATURANG EVENT NA INTERESADO NA MAGKAROON NG SARILING KABUHAYAN PARA SA KINABUKASAN NG KANILANG PAMILYA.

NAKATUTOK NGAYONG TAON ANG OFWS AND FAMILY SUMMIT SA AGRI BUSINESS PARA SA MGA KABABAYAN NA NANINIRAHAN SA KANAYUNAN.

PALIWANAG NI VILLAR MARAMING OFWS SA RURAL AREAS NA MAARING PAKINABANGAN NG KANILANG PAMILYA ANG MAGKAROON NG HANAPBUHAY SA AGRIBUSINESS.

ANIYA HABANG NAGTRATRABAHO SA IBAYONG DAGAT ANG OFWS NAGNENEGOSYO NAMAN SA RALANGAN NG AGRIBUSINESS ANG KANILANG PAMILYA SA PILIPINAS.

DAGDAG PA NI VILLAR SAKALING BUMALIK SA PILIPINAS ANG ISANG OFWS KUNG AYAW NA NITONG MANGIBANG BANSA MAY KABUHAYAN NA ITO NA MAGTUTULOY NG PANGARAP PARA SA KINABUKASAN NG KANILANG PAMILYA.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

IKINATUWA NI SENADOR BAM AQUINO ANG PAGPAYAG NG PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA PUMASOK SA BANSA ANG TELECOMMUNICATIONS COMPANIES NG CHINA.

ANIYA NI AQUINO NAKAKAGALAK ANG GINAWANG PAGKILALA NI PANGULONG DUTERTE SA PANGANGAILANGAN NA MAPAGANDA ANG SEKTOR NG TELEKOMUNIKASYON SA ATING BANSA SA PAMAMAGITAN NG KUMPETISYON.

SUBALIT IGINIIT NI BAM NA HINDI LAMANG DAPAT NA ILIMITA NG PANGULO SA IISANG BANSA O SA CHINA LAMANG ANG IMIBITASYON PARA MAGING DAGDAG NA TELCO PLAYER SA BANSA.

ANIYA NG SENADOR MAYROON DIN MGA KUMPANYANG GALING JAPAN AT KOREA NA GUSTONG PUMASOK SA ATING INDUSTRIYA NG TELECOMMUNICATIONS.

DAGDAG PA NI AQUINO MAKABUBUTING TULARAN NG PILIPINAS ANG BANSANG SINGAPORE NA MAY MASIGLANG KUMPETISYON SA TELCO SECTOR DAHIL SA PAGKAKAROON NG ANIM NA PLAYERS.

Page 4 of 1404

Broadcast Streaming

Top