JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NILINAW NG UP NATIONAL INSTITUTE OF HEALTH (NIH) NA HINDI LAHAT NG NASA PITONG DAANG LIBONG (700,000) MGA BATANG BIBIGYAN NG ANTI-DENGUE VACCINE NA DENGVAXIA ANG POSIBLENG MAKARANAS NG "SEVERE REACTION" DAHIL DITO.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI INSTITUTE OF MOLECULAR BIOLOGY AND BIOTECHNOLOGY DIRECTOR DR. EDSEL SALVAÑA NA BATAY SA ABISO NG PHARMACEUTICAL COMPANY NA SANOFI PASTEUR NA AABOT LAMANG SA 13 PERCENT NG NABAKUNAHAN ANG KAILANGANG ISAILIM SA MONITORING.

PALIWANAG PA NI SALVAÑA, ANG 13 PERCENT O TINATAYANG LABING SIYAM NA LIBO (19,000) NA ITO AY ANG MGA BATANG HINDI PA DINAPUAN NG DENGUE NGUNIT NABAKUNAHAN NG DENGVAXIA.

KAILANGANG MATUKOY ITO NG MGA OTORIDAD UPANG MA-MONITOR PARA MATUKOY KUNG NAKAKARANAS ITO NG REACTION MULA SA DENGVAXIA.

BASE RIN SA WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO), ANG NATURANG ANTI-DENGUE VACCINE AY NANANATILING LIGTAS SA MGA NABAKUHANAN NA NITO.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

IPINAG-UTOS NA NI DEPARTMENT OF HEALTH O DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III SA LAHAT NG HEALTHCARE PROVIDERS SA BANSA ANG PAGPAPAHINTO SA PAGGAMIT NG DENGUE VACCINE NA DENGVAXIA.

ITO ANG INIHAYAG NI DUQUE SA DZRJ, MATAPOS MAGPALABAS ANG PHARMACEUTICAL COMPANY NA SANOFI PASTEUR NA POSIBLENG MAKARANAS NG MASAMANG EPEKTO SA KATAWAN ANG NATURUKAN NG NATURANG BAKUNA.

AYON PA KAY DUQUE, HIHINGI RIN ANG DOH NG KARAGDAGANG DETALYE HINGGIL SA SEVERE REACTION NG VACCINE UPANG MAS MAIPALIWANAG NG MABUTI ANG NATURANG USAPIN SA PUBLIKO.

BATAY KASI SA ABISO NG SANOFI PASTEUR, BAGAMA'T NAGBIBIGAY "PERSISTENT PROTECTIVE BENEFITS” ANG DENGVAXIA SA MGA NAGKA- DENGUE NA AY POSIBLE NAMAN MAKARANAS NG MAS MARAMING KASO NG “SEVERE DISEASE” ANG MGA NATURUKAN NA HINDI PA NAMAN NAGKAKAROON NG DENGUE VIRUS.

SA NGAYON, PUPULUNGIN NA NG DOH DENGUE TECHNICAL AND MANAGEMENT COMMITTEE ANG ISANG EXPERT PANEL UPANG TUKUYIN ANG MGA HAKBANG NA DAPAT NILANG GAWIN.

DAGDAG PA NG KALIHIM, PRAYORIDAD NILA ANG KALIGTASAN NG MGA BATANG NABAKUNAHAN NA NG DENGVAXIA, AT MAGSASAGAWA RIN SILA NG SURVEILLANCE SA MGA NATURUKAN NITO NA HINDI PA NAGKAKAROON NG DENGUE FEVER.

Friday, 01 December 2017 11:51

HINOG NA ANG FEDERALISM- KOKO

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III NA HINOG NA PARA ISULONG ANG FEDERALISM SA BANSA.

ITO ANG NAGING REAKSYON NI PIMENTEL SA NAGING PAHAYAG NG PANGULO SA NAIS NITONG BAGUHIN ANG KONSTITUSYON O NAGMUMGKAHI NG NEW CONSTITUTION.

ANIYA NI PIMENTEL MARAMI NG NILALAMAN NG KASALUKUYANG BATAS SA ILALIM NG KASALUKUYANG 1987 CONSTITUTION NA HINDI NA ANGKOP SA KASALUKUYAN KUNG KAYA'T HINOG NA ANG PAGSUSULONG PATUNGO SA FEDERALISMO.

NANINIWALA SI PIMENTEL NA POSIBLENG MAY DRAFT NA ANG PANGULO PARA SA NEW CONSTITUTION NA POSIBLENG NAGKAROON NG INFORMAL STUDY GROUP PARA SA PAGSUSULONG NG PAGBABAGO NG SALIGANG BATAS.

KASABAY NITO HINIKAYAT NI PIMENTEL ANG PANGULO NA KUNG MAYROON NA ITONG BETTER DRAFT PARA SA PAGBABAGO NG KONSTITUSYON DAPAT AY ILABAS NA ITO PARA MAPAG-ARALAN NG MGA EKSPERTO AT NG MGA MAMBABATAS.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

PIPILITIN NG HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE NA MATAPOS ANG IMPEACHMENT PROCEEDINGS LABAN KAY CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO SA ENERO SA SUSUNOD NA TAON.

SA PANAYAM NG DZRJ, SINABI NI COMMITTEE CHAIRMAN REYNALDO UMALI NA BAGAMA'T LIMITADO NA LAMANG ANG NALALABING SESSION DAYS NGAYONG TAON AY SUSUBUKAN NILANG MATAPOS AGAD ITO.

GAYUNMAN, TINIYAK NAMAN NI UMALI NA HINDI NILA MAMADALIIN ANG PAGDINIG SA REKLAMON LABAN KAY SERENO AT SISIKAPIN NILANG GAWIN ANG KANILANG TRABAHO SANG-AYON SA IMPEACHMENT RULES.

NAUNA RITO, INANUNSYO NI UMALI NA IURONG MUNA SA DARATING NA MARTES ANG SUSUNOD NA PAGDINIG SA NATURANG IMPEACHMENT COMPLAINT DAHIL WALANG MAKAKADALONG RESOURCE PERSON.

UMAASA ANG KONGRESISTA NA MAKAKADALO SA PAGDINIG SINA PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF ATTORNEY THEODORE TE AT JBC EXECUTIVE OFFICER ATTORNEY ANNALIZA TY-CAPACITE DAHIL CRUCIAL UMANO ANG KANILANG PARTISIPASYON PARA MABIGYAN NG LINAW ANG MGA ALEGASYON.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM


WALANG BAGO SA MGA IPINAHAYAG NI ASSOCIATE JUSTICE TERESITA DE CASTRO SA PAGHARAP NITO KAHAPON SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS NG KAMARA LABAN KAY CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI ATTY. JOJO LACANILAO, TAGAPAGSALITA NI SERENO,LUMALABAS NA PERSONAL NA DI PAGKAKAUNAWAN HINGGIL SA MGA DESISYON NG SUPREME COURT ANG UGAT NG MGA PAHAYAG NI DE CASTRO SA KAMARA.

UNANG ITINANGGI NI LACANILAO NA HINDI SINUNOD NI SERENO ANG PROSESO SA PAGPAPALABAS NG TEMPORARY RESTRAINING ORDER O TRO SA PAGPROKLAMA NG MGA NANALONG PARTYLIST NOONG 2013 DAHIL DALAWANG MAGKAIBANG REKOMENDASYON ANG ISINUMITE SA PUNONG MAHISTRADO.

GIIT PA NI LACANILAO, MAY KAPANGYARIHAN ANIYA NA BAGUHIN ANG ANUMANG REKOMENDASYON ANG CHIEF JUSTICE AT HINDI RIN NITO KAILANGAN PANG KONSULTAHIN ANG ISANG ASSOCIATE JUSTICE KAPAG HINDI NASUNOD ANG ANUMANG INIREKOMENDANG DESISYON NITO.

SAMANTALA, ANG PAGBUO NAMAN NG REGIONAL COURT ADMINISTRATION OFFICE SA CENTRAL VISAYAS O RCAO 7 AY LEGAL AT HINDI RIN ITO ISANG JUDICIARY DECENTRALIZED OFFICE O JDO TALIWAS SA SINABI NI DE CASTRO.

MALIBAN DITO, ANG PAGTATAYO ANIYA NG RCAO 7 AY SANG-AYON SA NAUNANG RESOLUSYON NG KORTE SUPREMA NA IPINALABAS NOONG 2006 KAYA IPINATUPAD LAMANG ITO NI SERENO.

HILING NAMAN NG KAMPO NI SERENO, KUNG ANUMAN ANG MGA HINDI NAPAGKAKASUNDUAN NG MGA MAHISTRADO NG KORTE SUPREMA AY PAG-USAPAN NA LANG INTERNALLY UPANG MASOLUSYUNAN ITO NG MAAYOS.

 

Page 3 of 1410

Broadcast Streaming

Top